For the first time, nakasama ni Pops ang kanyang dalawang anak na sina Robin at Ram at ex-husband niyang si Martin Nievera sa panonood ng Videoke King sa first day pa lamang ng showing nito nung May 1 at nakita nila kung gaano karami ang tao sa Alabang Town Center.
Although singing ang first love ni Pops, aminado siya na love din niya ang acting. Ano kayat pagsamahin sila ni Martin sa isang pelikula tulad nung pareho pa lamang silang nagsisimula sa showbiz?
Since magkaibigan naman ngayon sina Pops at Martin, hindi siguro ito imposible.
Sabik na rin ang mga fans ng dalawa na muli silang mapanood sa isang major concert.
Speaking of Pops and Martin, hindi pa rin gimi-give-up ang respective families and close friends ng dalawa na balang araw ay muli pa ring magkakabalikan sila kahit annulled na ang kanilang kasal.
Marami ang naniniwala (kasama na rito ang malalapit kina Pops at Martin) na mahal pa rin nila ang isat isa pero pride umano ang umiiral sa kanila. Nitong huling biyahe ni Pops sa Amerika kasama ang bunso nilang anak ni Martin na si Ram, nagkita dun ang dating mag-asawa. Pinuntahan pa ni Martin ang kanyang mag-ina sa L.A. airport nung pabalik na ang mga ito sa Pilipinas. Kapag magkakasama ang mag-anak, walang mag-aakalang hiwalay na sina Pops at Martin.
Sa totoo lang, napakaganda ng takbo ng career ngayon ni Aiai dahil bukod sa kanyang pagiging in-demand as concert artist, may apat siyang regular TV shows isa sa ABC-5, ang Sing-Galing at tatlo naman sa ABS-CBN Channel 2, ang Whattamen, MTB at Arriba, Arriba. Tapos ngayon ay lead role siya sa pelikula.
Ano pa nga naman ang mahihiling pa ni Aiai?
Hindi kaya nagsisisi ngayon si Miguel Vera sa pang-iiwan niya kay Aiai?