Ang "Reigne" ay first studio recorded collection ni Regine pagkatapos ng halos dalawang taon. Ang "To Reach You" ang unang hit na kanta sa album. Ito ay sinundan ng "Dadalhin Kita" na composed ni Tats Faustino. Ang album ay naglalaman ng 18 tracks, na ang karamihan ay sinulat ng mga Filipino composer. Ang nag-iisang kanta na gawa ng foreigner ay ang "Love on the Airwaves" ni Chris Thompson at Robert Watson.
Ang mga iba pang kanta na kasama sa album ay ang "This Time", "Nasa Puso", "Free Spirits", "Long for Him", "Sa Aking Pag-Iisa", "Perrys Will, I Know", "My Destiny", "Bukas Sana", "Nang Makita Ka", "Let You Be", "Could It Be", "What Are You To Me", "Tayong Dalawa" at "Sandcastle".
Ang list of nominees sa MTV Video Awards Pilipinas 2002 also includes "Loving" ni Gabby Eigenmann para sa Best New Artist at Best Male Video. Ang nasabing video ay dinirek din ni Ignacio at isa sa mga kantang kasama sa unang album ni Gabby na produced ni Regine para sa Viva Records.
Ang iba pang Viva Records artists and recordings na nakakuha ng nominasyon ngayong taon sa MTV ay ang "Love Hurts" ni Jaya para sa Best Female Video, "Can We Just Stop and Talk a While" ni Gary Valenciano featuring Kyla, "Kapantay ay Langit" ni Janno Gibbs featuring Pilita Corrales at "Say a Little Prayer" ni Janno Gibbs featuring Pops Fernandez para sa Best Male Video at "Umaaraw Umuulan" ng Rivermaya para sa Best Group Video at Best Song.