Desiree, magbabalik!
May 9, 2002 | 12:00am
![](./main/20020509/images/show3.jpg)
Pero sa pagbabalik ni Desiree sa showbiz, malaki ang magiging pagbabago sa kanyang career. Hindi malinaw kung sila pa rin ni Paolo Contis ang magka-loveteam. O kung babalik siya sa Tabing Ilog pero ang sigurado namin, ipapasok siya sa isa sa tatlong soap opera ng ABS-CBN. Maganda ang role ni Desiree sa soap na kanyang sasalihan at tiyak na pag-uusapan siya rito. Malamang na ibalik din siya sa ASAP.
Ang balita namin, kasama nina Kaye Abad at Jodi Santamaria, silang tatlo ang ilu-launch to full stardom ng ABS-CBN at Star Cinema. Kaya nga agad silang inilagay sa mga primetime soap opera in preparation for bigger projects.
O ayan, sa pagbabalik ni Desiree sa local showbiz, may pag-uusapan na naman ang mga friends ko sa pinoy exchange. Sa mga gustong ma-entertain, go pasukin nyo ang www.pinoyexchange.com at titiyakin naming matutuwa kayo sa mga postings doon.
Ngayon ay kasama na si Angelene sa ASAP along with other three new faces, Bea Alonzo at Pia Romero. At higit sa lahat, magiging love interest siya ni Diether Ocampo sa Recuerdo de Amor. Last week ay lumabas na si Angelene sa nasabing daytime soap. Na-inspire ang ABS-CBN management sa nasabing team up dahil nag-number one sa rating ang episode nila sa Star Studio. Si Angelene yung gumanap na anak ni Ai-Ai delas Alas sa Maalaala Mo Kaya na nag-number one din sa ratings.
Bukod sa pagiging in-demand sa TV, marami ring product endorsements si Angelene.
Si Dra. Belo na yata ang pinaka-accommodating na beauty doctor/dermatologist na nakilala namin. Kaibigan siya ng halos lahat ng artista, singers, hosts, director, managers, press people at even "yung mga executives ng malaking network. Gusto rin naming pasalamatan si Dra. Belo sa pag-accommodate niya sa amin para sa laser tattoo operation ng isa naming kaibigan.
Maraming salamat at aming pakikiramay, Dra. Belo.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
February 18, 2025 - 12:00am