Hindi ba naman nai-insecure si Piolo sa special friendship ngayon nina Juday at Dingdong?
"I will always consider Juday a very special at alam niya yan. Ngayon kung totoo nga yung napapabalita tungkol sa kanila ni Dingdong, I guess na kay-Juday na yon. Basta ako, nandito lang," pahayag ng binata sa presscon ng I Think Im In Love, isang romance at feel-good movie na dinirek ni Maryo J. delos Reyes for Regal Films at isa sa mga kalahok sa darating na Manila Film Festival.
Since identified si Piolo kay Juday, hindi naman kaya mahirapan ang team-up nila ni Joyce o di kaya ni Donita?
"While proven and tested na ang team-up namin ni Juday, siguro naman, may pag-asa ring tangkilikin ng mga manonood ang pelikula namin ni Joyce dahil maganda rin ang istorya at magaling ang aming director, si Direk Maryo J. I still believe na malaki ring factor ang istorya at ang kabuuan ng pelikula," ani Piolo.
Papel ng isang mayaman, happy-go-lucky at playboy ang ginampanan ni Piolo sa I Think Im In Love pero nag-iba ang kanyang mundo nang kanyang makilala ang sexy na si Joyce Jimenez na nagtatrabaho bilang isang perfume store attendant.
Kung tinanggap si Joyce sa isang feel good movie, ang Narinig Mo Na Ba Ang L8st? na pinagtambalan nila ni Aga Muhlach na hindi niya kinakailangang magpaka-daring, ganun din ang inaasahan sa unang tambalan nila ni Piolo na tinatampukan din nina Nancy Castiglione, Michelle Bayle, Gloria Romero, Luis Gonzales, Roselle Nava, Cholo Escaño, Lorenzo Mara at Jam Melendez.
Ayon kay Norma, nagtataka umano ang mag-asawang Cesar at Sunshine kung sino at paano nagsimula ang balita to think na smooth sailing naman ang kanilang pagsasama.
Katunayan, kababalik pa lamang halos ng mag-asawa galing Bangkok kung saan nag-shoot si Sushine for Petit Monde at sinamahan siya ng kanyang mister.
Masaya umano ang mag-asawa kapiling ang kanilang seven-month old daughter na si Angelina. Of course, nariyan din ang dalawang anak ni Cesar sa kanyang first wife sina Angela at Angelo na parehong kasundo ni Sunshine.
Samantala, nalaman din namin kay Norma na may gagawing international movie si Buboy (Cesar) na magsisimula ngayong July 8 pero ayaw muna niyang magbigay ng iba pang detalye tungkol sa naturang project. Bukod dito, may movie ring gagawin si Buboy sa bakuran ng Viva Films.
Ayon kay Bong Revilla, ang kanyang ama ang nag-encourage sa kanilang magkakapatid (Marlon, Rowena, Princess, Bong, Strike, Andrea at Dianne) na muling buhayin ang Imus Productions at ang pagtatatag nilang magkakapatid ng sariling movie outfit, ang Seven Stars Productions. Initial offering bale ng Seven Stars Productions ang Kilabot at Kembot na tinatampukan nina Bong at Assunta de Rossi na dinirek ni Ogie Salvador na first time pa lamang nakatrabaho nina Bong at Assunta.
Sa pamamagitan ng Seven Stars Production, ire-remake din ni Bong ang mga pelikulang pinasikat noon ng kanyang ama.