Nagtatampo ang producer ni Pyar pero binigyan naman siya ng pelikula nito

Hindi papayag na matalbugan ni Pyar Mirasol si Glydel Mercado pagdating sa pagpapaseksi lalo na pagdating sa mga love scenes sa pelikulang Sana Totoo Na.

Pag-aagawan nina Pyar at Glydel sa movie si Tonton Gutierrez under World Arts Cinema kung saan contract star si Pyar.

Samantala balitang nagtatampo ang producer ng World Arts Cinema na si Ms. Jojo Galang kay Pyar dahil gumawa ito ng limang pelikula sa labas ng produksyon na walang pahintulot niya.

Ayon kay Ms. Galang, hindi naman niya pipigilan si Pyar na gumawa ng movie sa labas. Pero kailangan magpaalam ang kanyang alaga o humingi man lang ng permiso niya.

Show comments