"Mas magaling sa akin si Jericho at bilib ako sa kanya," ani Dingdong during the solo presscon na ibinigay sa kanya ng Viva Films para sa first team-up movie nila ni Judy Ann Santos, ang Akala Mo. Mauuna ito sa Magkapatid, na kung saan ay magkapareha silang muli, kasama sina Sharon Cuneta at Christopher de Leon. "Pero, hindi mahalaga sa akin ang titulo. Hindi ako naniniwala dito," dagdag pa niya.
Tinatanggap niyang blessing ang makasama si Judy Ann sa isang pelikula. "Hindi pa nga naipapalabas yung movie namin, mayron na kaming fans club. Matagal na kaming magkasama ni Tanya (Garcia) pero wala pa kaming fans club na magkasama," patuloy niya.
Nagkaroon din sila ng fans club ni Antoinette Taus pero, untiunti nang nababawasan ang mga myembro since hindi na regular ang pagsasama nila sa movie. Marami ang nagsasabi na baka nga mabuwag na ito matapos niyang aminin na wala na sila nito.
Very open siya sa pagsasabi na napakalaki ng possibility na magkaroon sila ng atraksyon ni Judy Ann sa isat isa. "In making Akala Mo with her, I got to see a different side of her. Sa umpisa, medyo nagkakailangan kami pero, habang tumatagal, naging okey na kami."
Akala Mo is the first movie directorial job of 26 year old Lyle Sacris, who has distinguished himself as a director of music videos and commercials. His best known work is the music video of Kylas hit, "Hanggang Ngayon" which won top honors in the MTV Pilipinas and MTV Asia Viewers Choice Awards. He has directed music videos for alternative bands Slapshock and Chico Science. Ngayon pa lamang ay naghahanda na itong mag-shooting ng kanyang susunod na movie sa Viva na siya rin ang gumawa ng script. Isa itong dark comedy na ibang-iba sa Akala Mo.
Isang nightclub dancer si Ara Mina na umibig sa isang hijacker na mayroong makulay na nakaraan at may misyon na sugpuin ang mga drug dealers.
Kasama nila sa pelikula sina Tirso Cruz lll, Roy Alvarez, Menggie Cobarrubias, Jonee Gamboa, Emilio Garcia, John Arcilla, Alvin Anson, Karen Montelibano, Archie Adamos at may ispesyal na partisipasyon si Viktoria.
Congrats Pops, and Robin and Jerry Sineneng, too.