Matatandaang noong wala si Carol sa bansa dahil sa pagtupad sa kanyang Judah Ben-Hur participation sa Singapore, iba-ibang alingasngas ang kinasangkutan nito. Balita noon na aalis siya sa ABS-CBN dahil hindi napagkasunduan ang pagbabago ng kanyang pipirmahang kontrata. Ang gusto ng kanyang mother studio ay kung ano ang terms and conditions ang nakasaad sa lumang kontrata ay iyon pa rin ang magiging laman ng kanyang pipirmahang kontrata.
Hindi pabor ang kampo ng singer/actress kaya bago ito umalis noon para sa kanyang stage play sa ibang bansa ay nakipag-meeting sila sa GMA-7 bosses.
Maganda ang nangyari sa naturang pag-uusap kaya maganda ang plano ng GMA-7 sa naturang singer/actress. Babaguhin ang kanyang image at pati ang personality nito ay itutugma sa kasalukuyang fashion trend ng ating mga mang-aawit. Kulang na lang ang pirmahan at palagi pa ang plugging sa SOP ang kanyang pagiging kapamilya ng naturang Sunday show.
Pero sa pagbalik ni Carol sa bansa ay sa Dos din siya pumirma ng kontrata. "In a way ginamit niya kami para sa sarili niyang kapakanan," sabi ng GMA insider. "Hindi man lang niya inisip yung ginawa niya," dagdag pa nito. (Ulat Ni Alex Datu)