Sa isang pakikipag-usap kay Boyet sa set ng nasabing movie, sinabi niya na siya mismo ang tumatanggi nung araw kapag magkakaroon sila ng eksenang halikan ng Megastar dahil masyadong seloso si Gabby Concepcion.
Katunayan, ipinatatanggal nito ang mga mga kissing scenes nila. At the time na patok ang tambalan ng dalawa, hindi na lamang siya umimik pero, kapag nagri-require ng ganitong eksena mula sa kanila, siya na ang umaayaw. Ang impresyon tuloy ni Sharon sa kanya ay suplado siya.
Huli na nang malaman ni Sharon kung gaano ka-friendly at ka-professional ang kanyang kapareha sa bago niyang pelikula.
Sinabi niya na wala siyang nakuhang satisfaction matapos gawin ang movie. The story should have revolved around her character and that of Dina Bonnevie na nung mga early 20s ay tinatrato nang magkapareho ng mga lalaki, mayaman man o mahirap. Hindi ganito ang lumabas at sa halip ay nagmistula siyang ekstra sa pelikula. Bagaman at iniyakan niya ng husto ito wala siyang sinisisi sinuman pero, after the movie ay natuto na siyang mag-ingat at mamili ng proyekto.
Malaki ang expectation niya sa Likido na nakatakda niyang gawin simula sa Mayo 16. Siya mismo ang humiling ng petsa dahilan sa gusto niyang matapos na yung mga nauna niyang commitments at makapag-concentrate sa movie na tungkol sa isang natutulog na bayan at sa kanyang pagbibigay buhay dito. Sa isang malayong bayan sa Quezon ang location ng movie kaya hindi na siya pwedeng magpabalik-balik pa ng Maynila. Kailangang manatili na siya roon hanggang sa makatapos ang shooting nito.
Si Adriatico ay isang matagumpay na Pinoy singer, composer, arranger at musician na nakalibot na ng mundo at nagbigay kasiyahan sa pamamagitan ng kanyang musika.
Makakasama niya sa concert si Dessa at ang bahagi ng kikitain sa palabas ay mapupunta sa Maria Scholarship Program of the Philippine High School For The Arts.
Mangyaring tumawag sa 09177910385 o 09173985283.