Judy Ann, pinaglalaruan ni Piolo at ng ABS-CBN
May 2, 2002 | 12:00am
Maraming hindi kumbinsido sa napapabalitang pagdalaw ni Piolo Pacual kay Judy Ann Santos sa shooting ng Magkapatid.
Hindi lang minsan ang ginagawang pagbababad ni Piolo sa shooting ng aktres at napabalita rin na madalas din itong magdala ng pagkain sa dalaga. Dahilan kung bakit ang mga tagahanga ng dalawa ay abot tenga ang ngiti.
Isang texter namin ang nagpadala ng kanyang mensahe na ayon sa nilalaman ng kanyang padalang text, hindi siya kumbinsido na taos sa puso ng aktor ang kanyang ginagawang pagdalaw sa aktres. Naniniwala siya na isa itong taktika ng mga namumuno ng Star Cinema at Channel 2 upang matakpan ang romansa ng aktor kay Pops Fernandez. Gusto o napag-utusan lang ito na linlangin ang mga tagahanga para hindi mabigyang katuparan ang pagpapaimbulog ng tambalang Juday at Dingdong Dantes.
Sa parting ito ay awang-awa ang aming texter sa aktres dahil ayon sa kanyang mensahe, pinaglalaruan ang kanyang idolo ng hindi lamang ng Dos kundi pati ni Piolo.
Hindi masisisi ang mga tagahanga dahil marami sa kanila ang namulat sa nangyari sa loveteam nila Claudine Barretto at ang yumaong Rico Yan na matagal na palang hiwalay bilang magkasintahan pero pinapalabas pa rin ng kanilang mother studio na very much on ang dalawa dahil sa kanilang pelikula. - AD

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am