"Ayaw ko nang isipin pa ang nakaraan kong buhay kay Eric. Para itong isang malaking bangungot. Mabuti na lang at nagkahiwalay kami kaya naging maayos uli ang aking buhay. Nagtrabaho ako sa Japan bilang performer at nag-train dun ng mga first-time performer na padala ng Fortune Promotion Agency. Pabalik-balik ako ng Japan at nakaipon naman ako. May bakanteng lote ang aking mama sa Malolos, Bulacan na pinatatayuan ko ngayon ng bahay. Malaki ang bahay, may third floor ito at pito ang bedrooms. Pangarap kong palagyan ito ng swimming pool. Gusto ko ring mabili ang lote sa likuran ng bahay at gusto kong magnegosyo yong nauukol sa pagkain," anang aktres.
Ngayong July ay aalis na naman siya patungong Japan at magtuturo na naman sa mga ipadadalang performer dun gaya ng table manners, good grooming, wastong pagsasalita para ma-improve ang kanilang personalidad. Marunong din ng Nipongo ang aktres. Kapag may panahon ay magbabalik-iskwela siya. Pangarap niyang makapagtapos ng Political Science sa UST. Second year irregular siya sa kursong ito sa St. Jude College nang agawin ng showbiz. Ang kanyang boyfriend na non-showbiz ay isang abogado at nag-aaral sa UP. Ito ang kanyang inspirasyon ngayon at nagi-engganyo para ipagpatuloy niya ang pag-aaral.
Muling magiging aktibo ang career ni Alma sa taong ito at suportado siya ng kanyang boyfriend. Naka-dalawang pelikula siya last year titled Dalawang Pisngi Ng Langit at Sakim Sa Pag-ibig. Nakagawa na ang magandang aktres ng 30 movies at naka-8 solo movies kung saan ang Tukso Si Charito under El Niño Films ang pinaka-memorable picture niya.
Wala siyang limitasyon sa paghuhubad bastat maganda ang proyekto kaya hindi siya magiging sakit ng ulo ng director. Maganda ang working relationship niya sa mga artista ng Kapirasong Gubat under MMG Films gayundin sa mga leading men na sina Mike Magat at Alvin Anson.
Ang story ay concept ni Engr. Ervin Mateo sa direksyon ni Jose "Kaka" Balagtas.
Masaya ang kanyang lovelife ngayon sa piling ng kanyang non-showbiz boyfriend.
In-demand din sa mga shows sa Kamaynilaan at mga karatig lalawigan si Nat (palayaw nito) dahil madali siyang kausap at propesyonal pa. Umaasa siya na sanay mabigyan din siya ng magandang break para makalabas sa pelikula. Bilang produkto ng Thats ay nahasa na rin siya sa pag-arte.
Kasalukuyang nagsusyuting ngayon si Ness ng pelikulang Hanggang Saan Kapalit? under JAGGS Productions kung saan leading man niya si Jay Manalo. Hindi kami nagtataka kung ma-link din sila sa isat isa at ligawan siya ng aktor dahil maganda pa rin at sexy si Ness hanggang ngayon.