Gaya ng Rampadora na iniaalok sa kanya ng Manhattan Asia Films na sana ay matagal na niyang ginawa. Pumayag na nung una ang Viva pero nagbago ito ng isip at gustong tapusin muna niya ang mga pelikula niya sa kanila bago niya gawin ang sa labas. Kaya mauuna ang Likido na pagsasamahan nila ni Jay Manalo sa direksyon ni Erik Matti. Baka nga mauna pa niyang gawin ang Dyesebel, para rin sa Viva.
Bukod sa pagiging regular niya sa programang ASAP. May gagawin din siyang telenovela na pagsasamahan nila ni Lorna Tolentino, John Lloyd Cruz at ng baguhang si Bea Alonzo. Mayroon din siyang gagawing sitcom pero habang hinihintay niya ito ay semi regular siya sa Home Along Da Riles.
Bakit siya bumalik ng Dos, gayong umalis na siya rito noon at may offer naman sa kanya ang GMA?
"Tumanggi ako sa offer ng GMA although close din ako rito dahil all-out kontrabida role ang ibinibigay nila sa akin. Feel ko na hindi pa ako handa para dito. Baka maapektuhan ang boxoffice ng mga gagawin kong movies dahil akting lang naman ang habol ng mga ganitong role. Kung tatanggapin ko, feel ko mag-character acting na lang ako," paliwanag niya.
Ngayon, kailangan niyang mag-concentrate ng husto para magpatulo ng luha.
"Siguro dahil malaki na ako ngayon at masaya ang buhay ko. Okay naman ang career ko at naka-graduate na ako ng high school," sabi niya.