Sa mga nabanggit na pangalan, si Claudine ang may pinakamatagal nang affiliation sa Particles dahil apat na taon na siyang image model ng produkto. At kung kelan naman kailangan ang kanyang presence ay saka naman siya wala. First time ding nag-launch ang nasabing kumpanya in the presence of the entertainment media at talaga namang ginastusan nila nang husto. Pero sa kabila nang pang-iisnab na ginawa ni Claudine sa media launch, hindi namin naringgan ng anumang negative comment ang big boss ng Chanel Marketing Corporation na si Nelson Yau. Kapamilya na kasi ang turing nila kay Claudine gayundin sa namayapang si Rico Yan.
Unang proyekto ng Seven Stars Films ay ang Bong Revilla-Assunta de Rossi starrer, ang Kilabot at Kembot na dinirek ni Ogie Salvador.
Itoy nakatakdang ipalabas sa Mayo 29, ika-18th birthday ng bunsong kapatid ni Bong na si Dianne.
Ngayong tapos na niyang gawin ang Kilabot at Kembot, babalik siya ng Viva Films para sa isa pang movie na kasunod ng pelikulang pinagtambalan nila ni Rufa Mae Quinto na ipinalabas early this year.
Samantala, ang pelikulang Kilabot at Kembot ay balak sanang ilahok sa darating na Manila Film Festival, pero nang malaman ni Bong na isasali rin sa filmfest ang pelikula ng kumpare niyang si Rudy Fernandez, ang Diskarte, si Bong na mismo ang umatras.
Hindi ikinakaila ng ate nina Marjorie at Claudine na na-miss niya nang husto ang showbiz at naa-update na lamang siya sa mga kaganapan dito sa pamamagitan ng TV at mga babasahin. Walong taon ding tumigil si Gretchen sa kanyang showbiz career upang bigyan daan ang kanyang pribadong buhay.
Aminado si Gretchen na big fan siya ng mga teledramas kaya nang kausapin siya para maging special guest sa drama serial ng bunso niyang kapatid na si Claudine, ang Sa Dulo Ng Walang Hanggan ay hindi umano siya nagdalawang salita. Pero siyempre, kailangan niyang magpaalam kay Tony. Naka-walong taping din si Gretchen at hindi niya ikinakaila na napamahal sa kanya ang mga naging kasamahan niya sa programa kahit sandali lang. Siya rin ang nagkwento na mamamatay ang kanyang karakter sa Sa Dulo Ng Walang Hanggan.
Ngayong tapos na ang kanyang cameo role sa programa ni Claudine, open umano siya sa ibang offers sa telebisyon. May posibilidad ding isama siya sa bagong sisimulang teledrama ng GMA-7 na pangungunahan nina Richard Gomez at Christopher de Leon.