Nakagawian na ng bayang Binangonan, ang bayang itinuturing na mayaman sa sining, kultura at tradisyon, na kumuha ng mga artista ang gumaganap bilang Reyna Elena. At ayon sa kanila, bawat artistang nagpapaunlak na maging Reyna Elena ay nagiging masuwerte ang career katulad nina Judy Ann Santos, Rica Peralejo, Beth Tamayo, Alma Concepcion, Jessa Zaragoza, Marianne dela Riva, Tina Monasterio, Lindsay Custodio, Kaye Abad, Paula Peralejo, Krista Ranillo, Jodie Sta. Maria at ngayon naman ay isang Cream Silk model na si Jeanne Harn.
Ang gown na isusuot ni Jeanne ay nilikha ng Liway Home of Fashion na mayroong shop sa Libid, Binangonan. Si Enrique Cerapion, kasapi ng Junior X Funk Dancers ang konsorte ni Ms. Harn.
Ayon kay Gomer O. Celestial, chair ng komite ng santakrusan, ito ay lalahukan ng mga magagandang kabataan ng bawat barangay.
Ang santakrusan ay itinataguyod ng Sangguniang Barangay ng Libid, sa pamumuno ni Brgy. Chairman Larry Arada, at sa pakikipagtulungan ng UNILIVER Phils., Gov. Nini Ynares, Cong. Jack Duavit, Mayor Cesar Ynares, G. at Gng. Joel Gaviño, Noel Tiraña, Cervo family, Binangonan Federation of Womens Club, Binangonan Cable, BRC at Kabalikat Civicom para sa kaayusan ng prusisyon.