Star City in the summer
April 30, 2002 | 12:00am
Feeling ko magpa-Pasko na naman nang pumunta ako ng Star City nung Sabado ng gabi. Ang daming tao although maliit ito kumpara sa dami nang nagpupunta dun tuwing mga buwan ng Oktubre hanggang Disyembre. Obvious na hindi alam ng tao na bukas ang nasabing lugar tuwing weekend ngayon summer vacation. Pagkatapos ng bakasyon ay isasara ito ng tatlong buwan para ilagay sa ayos ang lahat ng rides bilang paghahanda naman sa pagbubukas nito para sa Kapaskuhan.
Isa sa ipinagmamalaking atraksyon ng Star City ay ang Star Theater na matatawag ngayong tahanan ng ballet na aaminin kong nailapit na nga ng prima ballerina na si Liza Macuja-Elizalde sa masa. Siyang-siya ang mga nakapanood ng kasalukuyang atraksyon dun na pinamagatang Can Can.
Hindi ito ang Broadway musical kundi isang istorya ng isang prinsesa na nagtatangkang takasan ang kanyang mga kaaway. Ang pagtakas niya ay nagdala sa kanya sa ibat ibang panig ng mundo. Tampok sa palabas ang mga talino ng Ballet Manila kasama ang mga world class circus performer na na-incorporate sa ballet scenes.
Napakagaganda at makukulay ang mga costumes. Tuwang-tuwa ang mga manonood sa mga naglalakihang mga characters na ang iba ay animoy lumilipad hindi lamang sa stage kundi maging sa loob ng tanghalan.
Star of the show is prima ballerina Liza Macuja- Elizalde na hindi lamang hahangaan sa kanyang pagsasayaw kundi maging sa kanyang pagkanta. Every show ay may guest singer. Like nung manood ako, si Toni Gonzaga. Mapapanood din sina Isabel Granada, Rea Valle at Yamani.
Hindi naman pala totoong hina-harass si KC Castillo ng kanyang producer na nagdemanda sa kanya for breach of contract. Naipapalabas naman kasi ang kanyang mga pelikula na ginagawa sa labas ng kanyang mother studio. "Kaya nga nagbabalak akong makipag-usap na lamang sa kanila para matapos na itong mga usap-usapan at samaan ng loob," aniya sa presscon ng kanyang latest movie sa MMG Films na pinamagatang Kapirasong Gubat.
Naging lubhang abala lamang si KC sa shooting ng nasabing movie kung kaya iniasa niya sa iba ang paglutas sa mga problema niya na hindi naman nabigyan ng katuparan. "Nadagdagan pa ang problema ko dahil bukod sa demanda sa akin, napahiya pa ako sa press dahil sa isyu ng mga bouncing checks," dagdag pa ng sexy star na sa Kapirasong Gubat ay walang takot na makipagsabayan kina Alma Soriano at Camille Roxas sa paseksihan. Kasama rin nila sa pelikula sina Mike Magat, JC Castro at Alvin Anson. Direksyon ni Kaka Balagtas.
Ang istorya ay tungkol sa ilang magkakabarkada na nagkayayaang mag-sailing pero na-stranded sa isang isla. Maraming nude and frontal scenes pero nasa tubig naman sila kaya inaasahan nila na hindi na ito mapuputol pa.
It was the wisest decision for ABS-CBN na huwag pakawalan si Carol Banawa na matapos ang kanyang matagumpay na dalawang buwang paglabas bilang female lead sa Ben Hur sa Singapore at ang kanyang one month concert tour sa US ay nagbabalik sa local music scene sa release ng kanyang latest single na "Stay" mula sa kanyang 3rd solo album sa Star Records na pinamagatang "Transition".
Si Carol at dalawa sa kanyang mga kaibigan ang gumawa ng song. Si Jay Durias naman ng Southborder ang gumawa ng areglo. Iniaalay ito ni Carol sa kanyang yumaong kapatid na namatay sa carbon monoxide poisoning four years ago.
May back-to-back concert din si Carol kasama si Ogie Alcasid at Ryan Cayabyab sa NBC Tent sa Mayo 8. Pinamagatan itong Amazing Night.
Isa sa ipinagmamalaking atraksyon ng Star City ay ang Star Theater na matatawag ngayong tahanan ng ballet na aaminin kong nailapit na nga ng prima ballerina na si Liza Macuja-Elizalde sa masa. Siyang-siya ang mga nakapanood ng kasalukuyang atraksyon dun na pinamagatang Can Can.
Hindi ito ang Broadway musical kundi isang istorya ng isang prinsesa na nagtatangkang takasan ang kanyang mga kaaway. Ang pagtakas niya ay nagdala sa kanya sa ibat ibang panig ng mundo. Tampok sa palabas ang mga talino ng Ballet Manila kasama ang mga world class circus performer na na-incorporate sa ballet scenes.
Napakagaganda at makukulay ang mga costumes. Tuwang-tuwa ang mga manonood sa mga naglalakihang mga characters na ang iba ay animoy lumilipad hindi lamang sa stage kundi maging sa loob ng tanghalan.
Star of the show is prima ballerina Liza Macuja- Elizalde na hindi lamang hahangaan sa kanyang pagsasayaw kundi maging sa kanyang pagkanta. Every show ay may guest singer. Like nung manood ako, si Toni Gonzaga. Mapapanood din sina Isabel Granada, Rea Valle at Yamani.
Naging lubhang abala lamang si KC sa shooting ng nasabing movie kung kaya iniasa niya sa iba ang paglutas sa mga problema niya na hindi naman nabigyan ng katuparan. "Nadagdagan pa ang problema ko dahil bukod sa demanda sa akin, napahiya pa ako sa press dahil sa isyu ng mga bouncing checks," dagdag pa ng sexy star na sa Kapirasong Gubat ay walang takot na makipagsabayan kina Alma Soriano at Camille Roxas sa paseksihan. Kasama rin nila sa pelikula sina Mike Magat, JC Castro at Alvin Anson. Direksyon ni Kaka Balagtas.
Ang istorya ay tungkol sa ilang magkakabarkada na nagkayayaang mag-sailing pero na-stranded sa isang isla. Maraming nude and frontal scenes pero nasa tubig naman sila kaya inaasahan nila na hindi na ito mapuputol pa.
Si Carol at dalawa sa kanyang mga kaibigan ang gumawa ng song. Si Jay Durias naman ng Southborder ang gumawa ng areglo. Iniaalay ito ni Carol sa kanyang yumaong kapatid na namatay sa carbon monoxide poisoning four years ago.
May back-to-back concert din si Carol kasama si Ogie Alcasid at Ryan Cayabyab sa NBC Tent sa Mayo 8. Pinamagatan itong Amazing Night.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended