Robin, makikitira na lang kay Rustom
April 29, 2002 | 12:00am
Kahit masama ang kanyang pakiramdam dahil sa pananakit ng likod, masaya pa ring humarap sa entertainment press si Robin Padilla sa presscon ng movie nila ni Pops Fernandez, ang Videoke King na dinirek ni Jerry Lopez Sineneng ng Star Cinema.
Sa kabila nun, may sinabi pa rin si Robin na kahit attracted siya kay Pops, ayaw niya umanong sirain ang kanilang pagkakaibigan dahil kinukonsider niya ang ex-wife ni Martin Nievera na isang ispesyal na kaibigan.
"May ilang beses ko nang napatunayan ang katapatan ni Pops bilang isang kaibigan," aniya.
"Si Pops ang tumulong sa akin para makakuha ng visa sa Australia at Estados Unidos," paglalahad pa ni Robin.
Paano ba nagsimula ang special friendship nina Robin at Pops?
"Kalalabas ko lang noon sa Saudi (preso) at tumuloy ako sa utol kong si Rustom. Since barkada sila ni Pops, madalas akong isama ni utol sa mga lakad nila hanggang sa maging kaibigan ko na rin si Pops at iba nilang mga kabarkada. Sa mga okasyon na nagkakasama kami nina Pops, doon ko siya lubusang nakilala bilang isang matapat na kaibigan na talagang maaasahan mo," patuloy ng aktor.
Si Pops din ang nagsama kay Robin sa Amerika nang kunin niya itong special guest sa kanyang mga shows sa States nung nakaraang taon. Doon ay nagkaroon ng pagkakataon si Robin na madalaw ang kanyang nag-iisang anak sa aktres na si Lea Orosa na naka-base na sa LA ngayon.
Hinding-hindi makakalimutan ni Robin ang kanyang naging karanasan sa domestic airport ng SFO patungong LA kung saan ay na-interrogate siya nang husto at kinapkapan ng mga airport officials. Nagulat na lamang ang mga airport officers nang pagkaguluhan si Robin ng mga Pinoy doon at saka siya tinanong kung sino siya. Dito lamang umano siya hinayaang makapagbiyahe. Pero ganunman ang naging karanasan ni Binoe (Robin) sa kanyang first visit sa Amerika, masaya na rin siya dahil nakita niya sa wakas ang historic na Alcatraz sa San Francisco, California.
"Ang problema lang, wala na roon ang mga kakosa ko," natatawa niyang sabi.
Buhay binata si Robin dito sa Pilipinas dahil nasa Australia ang kanyang misis na si Liezl Sicangco at apat nilang anak na sina Queenie, Kylie, Zen-Zen at Ali. Mas gusto ito ni Robin dahil ayaw niyang magulo ang buhay ng kanyang pamilya. Twice a year ay dinadalaw niya ang kanyang pamilya sa Autralia at may pagkakataon naman na ang pamilya niya ang umuuwi rito para dalawin siya. Since mag-isa na lamang dito si Robin, balak niyang ibenta ang malaki niyang bahay sa Fairview at sa Multi-National gayundin ang dalawa niyang lote. Ang mapapagbilhan umano nito ay ilalaan umano niya sa educational at health plan ng kanyang mga anak. Balak niyang makitira na lang muna sa kapatid niyang si Rustom sa Parañaque.
Sa presscon pa rin ng Videoke King, inamin naman ni Pops Fernandez na naaalala niya ang nasira niyang amang si Eddie Fernandez kay Robin.
"Masarap na katrabaho si Robin. Super maasikaso siya sa kanyang mga katrabaho. After doing the movie, doon ko lang lubos na naunawaan kung bakit parating ala-prinsesa ang alaga niya sa kanyang mga nakakapareha dahil naranasan ko rin," ani Pops.
Mahirap bang ma-inlab sa isang katulad ni Robin?
"Hindi. Sweet at very caring si Robin at sigurado akong madaling ma-in love sa kanya ang mga babae," tugon pa ni Pops.
Although walang romantic angle between Pops and Robin sa tunay na buhay liban sa kanilang role sa pelikula, naniniwala pa rin ang dalawa na tatangkilikin ito ng mga manonood dahil sa merito ng pelikula.
Inamin din ni Pops na zero ang kanyang lovelife sa kabila na pilit siyang inili-link sa mga kaibigan niyang sina Robin, Troy Montero at Piolo Pascual.
Email: [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am