Nagbago ang ihip ng kapalaran kay Andrew E.
April 29, 2002 | 12:00am
Iba ang taginting ng boses ng master rapper na si Andrew E kapag ang kanyang anak na ang aming pinag-uusapan.
Natagalan din kasi bago nagkaroon ng bunga ang kanilang pagmamahalan ni Mylene, kaya nang ipanganak si Andrew Fordy ay ganun na lang ang kaligayahan ng rapper.
Sa kanyang wallet ay laging nakapalaman ang retrato ng kanyang anak, parang sirang-plaka na si Andrew dahil kahit sinong kaibigan at kakilala ang kanyang makausap ay tiyak na ipakikita niya ang larawan ng kanyang panganay.
At isa lang ang palagi niyang sinasabi, "Mabuti na lang at guwapo ang anak ko!" bilang pangangantiyaw sa kanyang sarili, samantalang hindi naman siya pangit.
Nakilala lang siya sa kantang "Humanap Ka Ng Panget", pero hindi naman pangit ang rapper, lalo na kung makikilala mo siya nang lubusan.
Sa tagal na ng panahong nakakasama namin si Andrew E ay puwede naming sabihing bibihirang kilalang personalidad ang tulad niya na bumagsak at bumangon ay wala ring pagbabago ang ugali.
Nung pumutok ang kanyang pangalan sa pagra-rap ay mababang-loob na siya, nang medyo mawala siya sa eksena ay hindi niya pinayagang pumasok sa kanyang utak ang awa sa sarili, at nang bigyan siya ng pangalawang pagkakataong hawakan uli ang trono ay ganun pa rin siya kababang-loob.
Yun na kasi siya talaga, hindi na kayang pagbaguhin ng anumang uri ng tagumpay ang kanyang kanaturalan.
Ang maganda kay Andrew ay hindi siya nagpapatalo sa mga paghamon, nung mga panahong medyo tumamlay ang kanyang bituin ay nagpunta siya sa Japan, nagtrabaho siya nang legal.
Hindi siya tumigil sa paggawa ng mga kanta, para siyang siklistang pidal lang nang pidal, dahil totoo naman kasing ang paghinto lang natin sa pagsisikap at pagkilos ang magtatakda ng ating pagkatalo.
Nag-recording siya sa Japan, pero ang puso niya ay nasa Pilipinas pa rin, kaya nagbalik siya sa bansa para subukin uli ang kanyang linya.
Nagbago ang ihip ng hangin, muling tinanggap ng publiko ang mga likhang-awitin ni Andrew E, at don na nagsimula uli ang pagningning ng kanyang pangalan.
Masarap dalhin sa anumang pagtitipon si Andrew E, sulit ang ibibigay mong talent fee sa kanya, hindi siya nagdadamot ng kanyang talento, hanggang kaya niyang dagdagan ang kanyang kanta kahit labas na yun sa pinag-usapan ay ginagawa niya.
At laging bahagi ng kanyang pagso-show ang isang litanyang sinsero para sa publiko, ang kanyang mula sa pusong pasasalamat, dahil kung wala raw ang mga sumusuporta sa kanya ay imposibleng marating niya ang kanyang kinaroroonan ngayon.
Ang mga palakpak ay nahahaluan ng sigaw, ng mga padyakan at kalabugan, dahil napakasarap nga namang tumulong sa mga taong marunong magpahalaga.
Ganun si Andrew E bilang tao, kaya mamahalin mo siya, wala siyang kaere-ere at pantay siyang tumingin sa kanyang kapwa.
May kalokohan at kiliti lang ang kanyang mga kanta na kung sabihin ng iba ay bastos, pero yun ang kanyang atake at dun siya nakilala, at ang buhay naman ay binubuo ng kani-kanyang istilo, atake at diskarte.
At yun ang kay Andrew E.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
16 hours ago
By Salve Asis | 16 hours ago
16 hours ago
By Boy Abunda | 16 hours ago
16 hours ago
By Gorgy Rula | 16 hours ago
Recommended