Hindi nakatiis si Claudine kaya nilapitan niya ang mesa ng dalawa, tinalakan ang mga ito. Parang sasabog ang dibdib niya sa matinding hinanakit. Ganito raw ang dialogue niya "Pinakisamahan ko kayo nang husto pero ako ang idinidiin ninyo. Kahit anong pagmamahal ko sa kanya ay pinalalabas nyo pa rin akong kontrabida. Ni walang nagtanggol sa akin. Alam ko rin ang pinaggagagawa nyo. Baka gusto nyo sabihin ko rito," aniya.
Hindi nakasagot ang dalawang aktor habang may umalo kay Claudine.
Ang ganda ng working relationship ng dalawa kahit hindi sila gaanong nagkakaunawaan. May mga eksena na nagkakatawanan ang mga nanonood dahil natural ang akting nila bilang alagad ng batas. Yon nga lang-Japanese police si Jacky kaya Satsu ang pamagat ng bagong mini-series ng dalawa sa IBC 13 na idinidirek ni Al Tantay. Nahahawig ang mini-series sa Rush Hour kung saan pinaghalo ang komedi at aksyon.
"Masarap na mahirap ang trabaho ng line producer dahil ikaw lahat ang nagbabadyet sa buong pelikula-mula sa kaliit-liitang bagay gaya ng kape, asukal at iba pa hanggang sa mga nagsu-supervise habang ginagawa ang pelikula, mula sa story conference hanggang sa post production. Kailangan naroon ako sa syuting everyday. I have to take care of everything.
"Budgeting ang number one problem. Kapag tipid ang production cost talagang kailangang i-squeeze ko ang budget pero di dapat isakripisyo ang pelikula. Kailangan maganda ito no matter what.
"Problema din minsan ang pagtutugma ng mga schedule ng mga artista lalo na kapag superbusy at popular sila. Pero wala pa naman akong problema dahil mababait ang mga artista ko. Problema pa rin kapag may naaksidenteng artista dahil sagot mo ito," aniya.
Ang reward naman na nakukuha ni Vivian sa pagla-line prodyus ay ang pagkakaroon ng magandang relasyon sa lahat ng bumubuo ng pelikula mula sa production staff hanggang sa mga artista. "Pero siyempre pinakamahalaga na sanay kumita ang pelikula. Doon lang talaga masusulit ang lahat ng pagod ko," dagdag pa nito.
Nagsimula si Vivian bilang field cashier ng RVQ Productions hanggang maging line producer ng mga foreign films na prodyus ni David Hung. Nagsimula sila sa Eternal Fist hanggang makagawa ng 12 pictures. Abala siya ngayon sa pagpapatakbo ng Di-Link na siyang nangangasiwa sa post production ng mga pelikula.
Sa kasalukuyan ay line producer siya ng Forward Group ni Jacky Woo at kahit may problema sila sa communications ay naroon naman ang interpreter na si Mary Takeda at ang magaling na scriptwriter na si Jimmy Oe. Mga Hapones ang kanyang mga katrabaho ngayon at buong pagtitiwala ang ibinibigay sa kanya ng kompanya kaya ayaw niyang sirain ito dahil gusto niyang patuloy na makagawa ng mga pelikula at TV shows kung saan nabibigyan ng trabaho ang mga manggagawa ng pelikulang Tagalog.