Kristine, na-ospital

Bigla na namang nag-iingay ngayon ang dating manager ni Carlos Agassi na si Rapi Revilla. Ipinamamalita nito na sinampahan niya ng kaso ang ABS-CBN Talent Center at ang dating alaga dahil sa pag-aalis diumano ng mga ito ng karapatan sa kanya bilang co-manager ng aktor.

Kung ginawa man ‘yon ng Talent Center tiyak na may matinding dahilan ito. At ang dahilang ‘yun ay ilalabas ng Talent Center sa tamang panahon. Subalit ang nakakalungkot sa pagkakataong ito sa parte ni Rapi, mukhang mahihirapan siya na makakuha ng hustisya kung siya mismo ay maraming nabiktima.

Nang lumabas ang isyu na tinanggal si Rapi bilang co-manager ni Carlos, kaliwa’t kanan ang natanggap na reklamo ng Talent Center kay Rapi. Malinaw na may mga taong minsan ding nabiktima nitong si Rapi. Karamihan ay isyu ng ‘di pagbabayad ng tama sa serbisyong ibinigay kay Rapi. Handa ring lumantad ang mga dating alaga nito at mga dating tauhan. Nakahandang lumabas ang mga ito para habulin si Rapi at ibulgar ang kamalasaduhang ginawa nito sa kanila.

Sa ngayon, wala pa ring pormal na demanda na dumarating sa Talent Center mula kay Rapi. Nakahanda na rin ang mga abogado ng ABS-CBN Talent Center para harapin ang reklamo ni Rapi. Hindi ito palalampasin ng ABS-CBN.

Sa ngayon, hintayin ni Rapi na ang mga taong biniktima naman niya ang magsasalita laban sa kanya. ‘Yun ang kailangan niyang paghandaan ngayon.
* * *
Noong nakaraang Martes, isinugod sa hospital si Kristine Hermosa dahil sa over-fatigue. Sa mga nakaraang araw, naging very tight ang kanyang mga schedules. Halos walang pahinga ang dalaga sa rami ng mga showbiz commitments tulad ng kanyang regular taping for Pangako Sa ‘Yo, shooting for Mango Orchard at mga product endorsements.

Nang ganapin ang presscon ni Tin para sa ABE School ay masama na ang pakiramdam ng dalaga. The next day, hindi na kinaya ng kanyang katawan ang sobrang pagod.

Medyo okey naman na si Tin ngayon ’yun nga lang ay kailangan niya pa ng konting pahinga para mas maging mabilis ang kanyang recovery at makabalik agad sa kanyang trabaho. Malamang ngayon ay nakalabas na siya sa hospital.
* * *
Naging very successful ng thanksgiving and belated birthday celebration ng isa sa pinakakilalang beauty doctor na si Dra. Vicki Belo. Jampacked ang nasabing affair na ginanap sa Ratsky’s Morato at dinaluhan ng mga showbiz personalities tulad nina Don Laurel, Ayen Munyi, Paolo Bediones, Ruby Rodriguez, Diether Ocampo, Piolo Pascual, Bernard Palanca, Carlos Agassi, Michelle Bayle, Dianne dela Fuente, Vanessa del Bianco, Kris Aquino at marami pang iba.

Bukod sa isang mala-Private Conversation with Dra, Belo na hosted by Boy Abunda, nagkaroon ng isang mini-concert ang Hunks kung saan nag-enjoy ng husto ang mga guests.

Lahat ng mga nagsidalo ay mga kilalang personalidad sa loob at labas ng showbiz. Naroon din ang mga malalapit na kaibigan at kasamahan ni Dra. Belo sa kanyang business na buong gabing nakipagsayahan. Well, isang patunay lamang ito na si Dra. Belo ang pinaka-well loved na doctor ng lahat.
* * *
For your comments and feedback, you can e-mail at eric_john_salut@hotmail.com

Show comments