^

PSN Showbiz

Bong may butt exposure sa Assunta movie

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Confirmed na nagdi-date sina Mayor Joey Marquez at Kris Aquino. Yes folks! Nag-start daw ang lahat sa one-on-one interview ni Kris kay Mayor Marquez for the Buzz no’ng kainitan ng issue sa paghihiwalay nila ni Alma Moreno. Since then daw, regular nang nagdi-date ang dalawa.

Actually, ayon sa isang source ng Baby Talk, MU na sila as in may mutual understanding na sila.

Pero ayon naman sa isang taong malapit kay Joey, hanggang date lang ang dalawa.

Ano kayang magiging reaction dito ni Alma Moreno rito?

Ito na rin siguro ang reason kaya accepted na ni Joey na talagang hiwalay na sila ni Alma.

Grabe rin, I can’t really imagine na puwede uling ma-attract si Kris sa isang action star na nagsasabi na this time mas bata na ang gusto niya. Well there’s a saying na love is blind.
*****
Hindi feel mag-showbiz ng mga anak ni Robin Padilla. Feeling nga ng actor malabong sumunod sa yapak niya ang kahit isa sa apat na anak nila ni Liesel na lahat nasa Australia ngayon.

Never daw na nagpakita ng hint ang mga anak niya na may interes sa showbiz.

Given na kasi sa showbiz na pag ang magulang mo artista, asahan mo na may anak silang nagiging artista rin. Pero sa case ng mga anak ni Robin, kahit na nga buong pamilya ni Robin ay artista, hindi makitaan ng kahit konting interes ang mga anak nila.

Anyway, puring-puri naman ni Kris si Robin nang minsang mag-promote ang actor sa The Buzz ng Videoke King. She agrees that Robin is the "best looking action star" around and the sexiest too. "We should see you more in light-romantic roles," Kris told Robin. May mga nag-agree kay Kris including Pops Fernandez na leading lady ng actor sa Videoke King, Star Cinema’s 9th anniversary offering, directed by Jerry Lopez Sineneng. "He looks cute and lovable in this kind of role," Pops said during the presscon.

At kung may agree, meron din namang mga kontra sa sinabi ni Kris. Anang isang observer, siguradong in a way, pinatatamaan na naman ni Kris ang ex-partner niyang si Phillip Salvador.

Anyway, in the movie, Robin plays King, a videoke buff habang si Pops ay interior designer. May kanya-kanya na silang partner na parehong hindi nila kasundo, pero nang mag-meet sila, sila ang nag-click.

Actually, sana noon pa ito ginawa ng Star Cinema ang ganitong klase ng pelikula. Matagal na kasing nababaliw ang karamihan sa atin sa videoke. Kaya nga nang i-offer ito kay Robin at mabasa niya ang script, hindi siya nag-second thought na tanggapin dahil convinced na agad siya. "Ibang klaseng pelikula naman kasi ‘to."

At kung sa promo ng last movie ni Robin with Angelika dela Cruz ay force-to-good silang ma-link, this time walang issue sa kanila ni Pops. "Magkaibigan kasi kami kaya hindi puwedeng ma-link," Pops said.

Pero may ilan namang nagsasabi na there was a time na naging sila. "I don’t think I’m her type of guy. Besides, hindi ako magaling mag-English kaya hindi niya ako magugustuhan, talo agad ako sa point na ‘yun," Robin said.

Anyway, as much as possible ayaw nang patulan ni Pops ang kung anu-anong intriga ng ilang tao sa kanya. Feeling ni Pops wala siyang dapat i-explain dahil ang alam niya zero ang lovelife niya.

At any rate, with Robin and Pops in the movie are Victor Neri, Gabe Mercado and Monique del Mar.
*****
May butt exposure si Bong Revilla sa latest movie niyang Ang Kilabot at Kembot opposite Assunta de Rossi. Actually, kahit daw ang sister niyang si Andrea Bautista ay shocked sa ginawa ni Bong sa nasabing pelikula nang minsang panoorin nila ni Ms. Ethel Ramos ang rushes ng movie.

Sabi naman ni Bong, parang Scorpio Nights ang effect ng nasabing eksena with Assunta.

‘Yun ang reason kung bakit nag-work out ang actor. In fact, 25 lbs ang nawala sa kanya. "Workout and diet lang," he said sa launching ng new Imus Productions and Seven Star Films. "Seven Stars because Imus Productions was established in the 70’s and we are seven children - Ramon Sr. and Azucena."

Ang bagong Imus Productions’ logo represent Ramon Revilla Sr. and Ramon Revilla Jr. na sinasabing super action stars ng Philippine movie industry - the crowned two tigers facing each other.

Year 1989 nang mag-stop mag-produce ng pelikula ang Imus. Last project nila ang Cris Cuenca. At ngayon ngang 2002, nag-decide ang magkakapatid na mag-produce uli. First offering nila ang Ang Kilabot at Kembot. Nagbalik sila sa paggawa ng pelikula sa panahon na matumal ang pelikulang Tagalog. "Sabi nga ng Daddy (Sen. Ramon Revilla), okey na rin kahit break even basta ang importante marami sa atin ang nagkaroon ng trabaho," he said in a chance interview sa Annabel’s restaurant yesterday.

Next project nila ang Ang Galing-Galing Mo Babes starring Joyce Jimenez and Albert Martinez. "So far ‘yun pa lang ang definite. Marami pang pinag-uusapan," he said. Isa sa possible project sa sinasabing pinag-uusapan ay ang project with Alma Moreno.

"Garantisadong kasiyahan para sa madlang manonood at serbisyo sa manggagawa ng pelikulang Pilipino" ang mission and vision ng bagong Imus Productions.
*****
Salve V. Asis’ e-mail - [email protected]/[email protected]

ALMA MORENO

ANG KILABOT

IMUS PRODUCTIONS

KRIS

NILA

PERO

POPS

ROBIN

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with