Sa takbo ng mga pangyayari ngayon sa telebisyon, game shows at drama serials ang nauuso ngayon. Bukod sa mga imported soap operas na nilalapatan ng Tagalog dubbing, sampu-sampera ngayon ang mga local drama soap sa ibat ibang istasyon lalung-lalo na ang ABS-CBN at GMA-7 at hindi rin nagpapahuli ang RPN-9 at IBC-13.
Kung napapanood na sa telebisyon ang mga artista na nagda-drama at nagpapatawa, sino pa nga naman ang magkakainteres na panoorin pa sila sa pelikula.
Siyempre pa, bukod kay Sunshine, masayang-masaya ang kanyang butihing ina na si Dorothy Laforteza sa magandang takbo ng career ng kanyang bunso.
Kung tututukang maigi ang dalawang nasabing programa, walang itulak kabigin ang mga production numbers ng magkaibang programa. The other Sunday, parehong nagbigay ng tribute ang dalawang programa sa dalawang yumaong National Artists na sina Maestro Lucio San Pedro at Levi Celerio at patalbugan sila sa pagandahan ng production numbers. Pero aminado kami na mas marami ang totoong singers sa SOP kesa ASAP but in terms of popular stars, mas marami nito ang ASAP.
Ang dalawa pang programang nakakatuwang panoorin tuwing Linggo ng hapon ay ang The Buzz at ang S-Files. Makikita sa dalawang programa na hindi sila nagpapahuli in terms of presentation at content. May kani-kanya silang scoop na balita at magkaiba totally ang presentation ng kanilang respective segments.