Pops, nakita ang kanyang ama kay Robin

Cute naman ang friendship nina Robin Padilla at Pops Fernandez na nagsimula nang magkakilala sila sa pamamagitan ni Rustom Padilla, brother ni Robin who took him out in the early days nang kalalabas pa lamang niya sa Munti.

Inamin ni Pops na naaalala niya ang kanyang namayapa nang ama na si Eddie Fernandez kapag nakikita si Robin. Katulad din ni Robin ay nabilanggo pero di tulad ni Robin na nakabawi at nakabalik nang matagumpay sa kanyang pag-aartista, hindi naging kasing swerte ang dad ni Pops.

"Also, nakita ko rin ang kabaitan ni Robin na hindi nakikita ng marami dahil tahimik siya at mahiyain.

Kaya, palagay ang loob ko sa kanya, dahil parang kapatid ko na siya," amin ni Pops.

Katulad ng kanilang role sa pelikula, lumalabas din sila nun sa mga karaoke bars, hindi silang dalawa lamang kundi kasama ang kapatid ni Robin at maging si Martin Nievera.

"Kapag kumakanta silang dalawa, namamalikmata na lamang ako," amin ni Robin who treasures the time nang gumising nang maaga si Pops para lamang siya samahan sa Australian Embassy para kumuha ng visa. "May kaibigan siya dun kaya napadali ang proseso. Tapos nang mag-show siya sa Amerika, isinama niya akong muli," dagdag pa ni Binoe.

Palabas na sa Mayo 1 ang pelikula nilang Videoke King ng Star Cinema na tinatampukan din nina Victor Neri, Gabe Mercado, Monique del Mar, Pocholo Montes at Mel Kimural sa direksyon ni Jerry Sineneng.
*****
Sumama ako sa anak ko sa panonood ng Maalaala Mo Kaya (MMK) nung Huwebes, (ABS-CBN, 8:30 n.g.) at pati ako nahawa sa kilig na naramdaman siguro ng anak ko habang pinanonood ang isang ma-dramang istorya ng pag-ibig na nagtatampok kina Rica Peralejo at Bernard Palanca.

Kahit na nasa ika-10 taon na ang MMK, maganda pa rin ito, hindi nakasasawang panoorin ang mga istorya na talaga namang pinagaganda ang presentasyon. Kung gaano ito kalapit sa tunay na pangyayari (true stories ang mga ito, padala ng mga manonood) ay hindi ko na alam pero ang sigurado ako totoo ang mga istorya dito. Katunayan, na-meet ko yung gay na nagpadala ng istorya na tinampukan nina Keempee de Leon at Manilyn Reynes.

Ipinagmamalaki kong sabihin na once ay naging bahagi ako ng drama anthology na ito na hanggang ngayon ay si Charo Santos-Concio pa rin ang host.

Tuwing Huwebes, nagmamadali ako ng pag-uwi para lamang mapanood ito.

Nung Huwebes, nakita ko na may pakontes na itinataguyod ang programa at sumali ako. Kailangan lamang ay hulaan ko ang titulo ng episode nang gabing yun at mananalo ako ng P5,000.

Ang dami kong ipinadalang titulo. Most of the titles of the episodes ay mga oneliner lamang at may kinalaman sa isang bagay na prominent sa episode.

I texted "Panyo", "Ice Cream", "Fish Ball"," Susi", "Bracelet". Di ko alam kung umabot yung "Modelong Bahay". Talo ako dahil sa end ng episode ipinakita sa screen ang titulo ng episode, "Dream House". Oo nga, ba’t di ko naisip yun? Sayang, pero I’ll try again next week and the week after, and the next. Enjoy na ko sa palabas, may bonus pang chance to earn P5,000. Bongga, di ba?

Show comments