^

PSN Showbiz

Ang matapang na Barreto sisters

- Veronica R. Samio -
Siguradong pagtataasan ng kilay ng marami sa atin ang ginamit kong adjective sa magkakapatid na Barretto, sina Gretchen, Marjorie at Claudine.

Si Claudine, matapang? Eh bakit nakita itong nag-iiyak sa TV ng ilang pagkakataon – nung burol ni Rico, sa libing nito, sa airport, nang umalis siya at dumating mula Hongkong, at maging nung finally ay magsalita siya sa TV? Ang pag-iyak ay isang sign ng weakness.

Umiyak din si Gretchen, on national TV, when she broke up with Aga Muhlach. Parang si Marjorie lamang ang malakas ang loob sa kanilang tatlo sapagkat buong tapang niyang hinarap ang pagiging isang single parent sa kanilang anak ni Kier Legaspi.

Para sa akin, isang katapangan ’yung ginawa nilang pag-suporta sa kanilang bunsong kapatid, sa oras ng pagdadalamhati nito. Bagaman at dehado sila sa naging laban, mas marami ang pumanig sa namayapang aktor, hindi sila kinakitaan ng panghihina. May ilang pagkakataon na gusto na nilang mag-come out in the open and tell their side of the story, at muntik na itong mangyari kay Gretchen sa isang TV show. Pero hindi ito ipinahintulot ng pagkakataon na maganap. Talagang ang pagsasalita ay nakalaan lamang para kay Claudine na siyang directly involved at hindi sa sinuman sa kanyang mga kapatid who were there to comfort her.

Claudine has said her piece. Lahat ay pwede nang manahimik and go back to living a normal life. Tulad ni Gretchen who has gone back to caring for her daughter and the father of her daughter na may nagsabi sa akin na ang pinakagusto at pinakamamahal na katangian na minahal niya sa magandang aktres ay ang katapangan nito, ang pagiging buo ang loob.

Balik na rin si Marjorie sa kanyang pamilya, kay Dennis Padilla at sa kanilang mga anak. She has a big family pero hindi ito hadlang para muli ay damayan niya ang sinumang miyembro ng kanyang orihinal na pamilya, kapag hinihingi ng pagkakataon.

At si Claudine? Balik sa kanyang trabaho. At kung totoo na recently ay na-meet niya ang dalawa sa pinaka-matalik na kaibigan ni Rico and she gave them a piece of her mind, well, good for her. It was about time. They should have been her friends too. Totoo ang sinabi niya, namatayan din siya at hindi sila tumagal ng kulang sa apat na taon ni Rico kung wala itong mabuting bagay na nakita sa kanya.
* * *
Gusto kong batiin ang kasamang si Fundy Soriano, editor ng Hongkong edition ng People’s Tonight, assoc. ed. ng People’s Insider at columnist ng People’s Taliba sapagkat franchise holder sila ng kanyang maybahay na si Mary Ann ng Diamante Variety Mart na matatagpuan sa BF Resort Village sa HK. Isa itong one-stop shop na naglalaman ng maraming eateries and stores na nagbibenta hindi lamang ng groceries kundi maging school and office supplies, hardware, imported goods, bakery products, gift shops, beauty salons at marami pa.

Babasbasan ang nasabing mall sa Linggo, Abril 28, 4:00 ng hapon at gugupit ng ceremonial ribbon sina Gardo Versoza, at Angelica Jones kasama sina Allan Paule, Marites at Girlie Cruz ng Alpha Records at Jackie Cervantes ng Aquarius Records.

AGA MUHLACH

ALLAN PAULE

ALPHA RECORDS

ANGELICA JONES

AQUARIUS RECORDS

BALIK

CLAUDINE

GRETCHEN

RICO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with