Tiyak na pag-uusapan ang role ni Onemig dahil magiging ka-love triangle siya nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa. He plays Errol who is a field reporter.
"Inabot siya ng 4 am reading his script and memorizing his lines. Kabado siya pero he is willing to face the challenges. Hindi niya palalampasin ang opportunity na ito," kuwento sa amin ni Vangie Aguilar, Onemigs girl-Friday.
Inamin ni Onemig na after Labs Ko Si Babes, umaasa siya na mapapasama siya sa anumang primetime soap opera ng Dos. Hindi naman nasayang ang kanyang tiyaga dahil heto na ngat kasama na siya sa Book 2 ng pinakamatagumpay na teleserye sa Philippine television.
Magkakaroon din ng tribute para kay Rico Yan, ang dating image model ng Molecules. Kasabay ng pagpapakilala kay Marvin Agustin bilang bagong model. Higit sa lahat, ito ang first public appearance ni Claudine Barretto mula nang maganap ang sigalot sa kanyang buhay pag-ibig. Dito ay ipakikita ng management ng Particles and Molecules ang kanilang buong suporta kay Claudine.
Inaasahan ang pagdalo ng almost 200 guests mula sa fashion world, advertising at sa media. Ang inyong lingkod at si Rikka Dylim ang maghu-host ng question-and-answer (presscon proper).
Ang kaibigan naming si Dino Medina ang punong abala sa big event na ito.
Si Piolo ang bida sa pelikulang I Think Im In Love opposite Joyce Jimenez. Ito yung dating Sweetheart na dinirek ni Maryo J. delos Reyes for Regal Films. Ang premyadong scriptwriter na si Jun Lana ang sumulat ng script ng movie.
Gauging the reaction ng mga nakita na ang rushes ng movie, mukhang kikita ang movie. "Hindi mabigat ang movie. Feel good na talagang lalabas ka na may ngiti sa labi. I think yun ang gusto ng tao ngayon, after Got 2 Believe. Plus the fact na talagang ang guwapo-guwapo at ang husay ni Piolo sa movie," kuwento sa amin ni Tita Dolor Guevarra.
Ang director ng Bakit Di Totohanin na si Boots Plata ang inatasan ni Mrs Lily Monteverde na gumawa ng trailer ng I Think Im In Love. Knowing Boots Plata, alam nito ang kiliti ng publiko as proven sa kinita ng Bakit Di Totohanin.
Dahil walang entry ang Star Cinema sa Manila Film Festival ngayong taon, buo ang kanilang suporta sa movie nina Piolo at Joyce. Eh, kasi artista naman nila sina Piolo at Joyce sa dalawang certified hit movies nila like Bakit Di Totohanin at Narinig Mo Na Ba Ang L8st? opposite Aga Muhlach naman.