Isang baguhan kumasa kay Aya!

Siyempre, papayag bang magpatalbog ang orihinal na "papaya queen" na si Aya Medel sa baguhang si Sydney Segovia? Magkasama ang dalawa sa pelikulang Bukang Bibig ni Cesar Abella para sa El Niño Films.

"Hindi naman sa pagmamayabang, marami na akong napatunayan. Hindi kayang gawin ng sinumang sexy star ang ginagawa ko. Palaban ako sa lahat," ang sabi pa ni Aya.

"Kaya kong gawin ang ginagawa ni Aya. Wala akong limitasyon anuman ang ipagawa sa akin," ani Sydney naman.

Sino nga ba sa dalawa ang mas lulutang ang kaseksihan sa kanilang pelikula? Ang may napatunayan na o ang baguhan na gagawin ang lahat wag lang siyang mapag-iwanan ng may pangalan na? Ngayon pa lamang ay inaabangan na ang magiging labanan ng dalawa.

Show comments