Aktres nakipag-romansa sa fans

Kahit may edad na ang seksing aktres na ito ay mas maganda pa rin siya sa maraming nakababatang artista, katawan man o mukha ang pag-uusapan. May karisma pa rin siya at parang hindi tumatanda. Kaya naman hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makalimutan ng isang guwapong tagahanga na minsan ay nakaniig ng aktres.

May shooting sa isang malayu-layong lalawigan ang magandang aktres. Pinuntahan siya sa syuting ng isang fanatic fan na guwapo at bata pa. Araw-araw ay naroon ang binata at binabantayan ang aktres. Naging magiliw tuloy ang sexy star sa kanya.

Minsan ay tinanong ng binata kung saan otel siya tumutuloy. Ibinigay naman niya ang kanyang telephone number. Minsan ay tumawag ang fan at tyempo namang mag-isa lang ang aktres sa kuwarto at walang ginawa kundi uminom ng alak. Pinapunta siya sa otel ng aktres. Halos kiligin sa tuwa ang binata at nang dumating siya doon ay nagkwentuhan ang dalawa, nagbiruan at kalaunan ay inaya na rin itong uminom ng alak. Magdamag na magkapiling ang dalawa. Madaling araw na nang umalis ang binata. At masayang-masaya ito.
Princess, Magastos Sa Damit!
Balik-kontrabida na naman si Princess Punzalan via Kung Mawawala Ka kung saan ginagampanan niya ang papel na Ernestina na unang anak ni Eddie Garcia kay Liza Lorena. Kung matatandaan, kinasuklaman ang aktres sa character role nitong Selina sa Mula Sa Puso. Kaiba ang pagiging kontrabida niya sa bagong soap opera, pero kaiinisan din. Gumagastos nang malaki si Princess para sa kanyang wardrobe para magmukhang sosyal at mayaman ang dating.
Juday, Kinilig Kay Dingdong!
Malapit nang matapos ang pelikulang pagtatambalan nina Judy Ann Santos at Dingdong Dantes na Bakit Ngayon Ka Lang? under Viva Films. Ngayon pa lang ay marami na ang nag-aabang kung may mamumuong pag-iibigan sa dalawa lalo na’t very vocal ang dalawa sa kanilang pagiging close habang ginagawa ang movie.

Balita rin na nagseselos daw ngayon ang screen partner ni Juday na si Piolo Pascual, pero agad naman idinepensa ni Juday ang ka-loveteam sa pagsasabing hindi habambuhay na sila lang ang magkatambal.
Nikki, Tanggap Na Ang Relasyong Troy-Kris
Hindi pa lubusang naghihilom ang sakit ng paghihiwalay nina Nikki Valdez at Troy Montero pero ayon sa dalaga, tanggap na niyang may ibang mahal na ito. Hindi man hayagang aminin nina Troy at Kris Aquino na sila na nga, marami ang nakakapansin sa sobrang sweetness ng dalawa.

Masaya na rin siya para sa kanyang ex-boyfriend dahil nakita na nito ang ideal girlfriend. Wala naman siyang magagawa para pigilan itong umibig muli sa iba. Di na rin siya umaasang magkakabalikan pa sila kaya naka-focus na lang siya sa kanyang career.
Maybelyn, Di Type Maging Bold Star!
Taliwas sa prinsipyo ni Maybelyn dela Cruz ang mag-bold! Kahit nangangailangan ito ng maraming affairs at mabilis na pagsikat. Para sa kanya, never siyang papasok sa pagbo-bold kahit marami ang nagsasabing bagay sa kanya.

Sampung taon na siya sa showbiz at kuntento na siya sa takbo ng kanyang career. Bukod sa kanyang TV show na Kahit Kailan at Kung Mawawala Ka sa GMA-7, may Kapiterya Pinoy at World Guide pa siya sa RPN 9.
Mag-Ingat Sa Pamimili Sa Baguio
Masamang-masama ang loob ng kaibigan kong si Virgie Balatico na nagtungo ng Baguio para dumalo sa Goma Golf Tournament. Bago bumaba ng Maynila ay nagtungo muna siya sa pamilihan. Hindi niya sukat akalain na may nanloloko din pala sa Baguio. Bumili siya ng isang kilong carrots na nasa plastic na supot. Nang buksan niya ito ay may sira ang carrots na nakalagay sa gitna samantalang sariwa ang mga nasa tabi kung saan nakikita ito sa plastic na supot.

Bumili din siya sa tindahang ito ng walong bote ng strawberry jam na inilagay ng tindera sa isang maliit na kahon para isang bitbitan na lang. Umalis muna sila sandali at nang balikan ang kahon ay nakatali na ito kaya hindi na nila natingnan.

Pagdating ng bahay ay nagulat ang aking kaibigan dahil anim na lang ang laman ng kahon. Mayroon na palang nanloloko ngayon sa Baguio di gaya noon na honest ang mga tindera at tindero.
NU 1o7’s Summer Shebang
It’s the middle of summer and it’s time to take the party out of doors sa pamamagitan ng Summer Shebang ng NU 107 na nakatakdang maganap sa Abril 27 (Sabado), 3:00 n.h. sa Fort Bonifacio Global City.

Isang araw itong kasiyahan na bubuuin ng wall climbing contest, skateboarding exhibition, kite flying, car display at maraming giveaways at prizes. At paglubog ng araw, magpaparinig ang NU 107 ng rock music from punki/ska to rapcore at metal "stuff so new we haven’t categorized it yet," ani Ron Titular, operations head ng network,

Magpi-perform ang Sandwich, Battery, The Brownbeat All Starts, Imago, Jeepney, Joyride, Moyg, Neighbors, Cheese, Chico Science, Rayyn, Cynthia Alexander, Badburn, Pin-Up Girls, Monsterbot, Itchyworms, Fatal Posporos, Chernobyl at Ciudad.

Magkakaroon ng live coverage ang bagong TV station ng Progressive Broadcasting Network, unTV sa UHF Channel 37 at Channel 39 sa Destiny Cable Channel 59.

Show comments