^

PSN Showbiz

Sa bikini contest, mukha ba o katawan ang kailangan ?

- Veronica R. Samio -
Dalawang bikini contests ang mahigpit na naglalaban ngayon, hindi lamang sa punto ng popularidad kundi lalo na sa klase ng mga kalahok na kinukuha nila at sa paraan ng pagsasagawa nila ng paligsahan. Isa ang Mossimo Bikini Summit na kailan lamang ay pumili na ng kanilang mga winners sa isang pageant na ginanap sa Pearl of the Pacific, Boracay. I have to admit na magaganda ang mga kalahok na iprinisinta nila sa media. Di lamang ang babae kundi maging sa mga lalaki. Sino man ang napiling winner would have been deserving of the titles.

Ang ikalawa ay ang Mr & Ms. Bikini Open na unang ginawa rin sa Boracay pero, ngayon ay nasa Waterfront Beach Resort na, sa Subic Freeport ng Morong, Bataan. Dito magaganap ang grand finals sa Abril 27.

Sa isang press presentation na ginanap kamakailan, nakita na walang pinag-ibahan ang mga kalahok dito sa natapos nang Bikini Summit. Magkakatalo na lamang siguro sa kung sino sa mga winners between the two bikini tilts ang mas makikilala, mas magtatagumpay in the future.

The 28 finalists ng Mr. & Ms. Bikini Open 2002 "The Pageant" ay sina Arlene Son, Ma. Emilisa "Yeyety" Santiago, Jeroselle Guilas, Mary Kristine Masiglat, Kathleen Causing, Charisse Arayi, Gheraldine Rosario, Kaye Anne Bobis, Eva Arni, Juneth Nitro, Christmarie Sese, Wenefreda Misa, Joan Vasquez, Clarissa Merado, Edward Sevilla, Edgar Ciruela, Glenn Magnifico, Joel Posadas, Ryan Lai, Gerald Navarro, Darryl Viojan, Justine Olivares, Adrian Zabala lll, Jamiel Javier, Melvin Brillantes, Christopher Roman Castrence, Lord Christian Lubiano at Ram Maranan.

Ipinagmamalaki ng Mr. & Ms. Bikini Open na ang winner nila nung year 2000 na si Jay Lusuego ay isa nang artista sa pelikula. Si Sally Varias naman ay isa nang ramp model. May mga hindi nanalo pero pinalad pa ring maging professional models.

Ang mananalo ay tatanggap ng P50,000 each, round-trip tickets to Hawaii, glass-etched trophies, individual Waterfront club membership, appliances at gift certificates.
*****
Mayroon na namang album na inilabas ang XAX Music Entertainment. Ito ang tropical dance album na "High Times" ng Dr Wes Sech, Rev. D.A. Mograsse at ZTO na naglalaman ng 10 awitin sa pangunguna ng carrier single na "Taliban Ban".

Ang album ay inilunsad kamakailan sa Xaymaca Bar na kung saan ay ipinakita ng grupong Dance Squad ang latest dances na Taliban Ban Dance at Coconut Dance.

Napapanahon ang "Taliban-Ban" sapagkat ang lyrics nito ay tungkol sa nag-away na mga Kano at Taliban at kung paano nag-iiwasan. Siguradong kalulugdan ito ng mga Pinoy na ginagawa lamang katatawanan ang pulitika. Ang iba pang awitin sa album ay ang "Coconut Dance", "Come Sing-Along", "Hey Donita" at marami pa.

ADRIAN ZABALA

ARLENE SON

BIKINI

BIKINI SUMMIT

BORACAY

CHARISSE ARAYI

COCONUT DANCE

MS. BIKINI OPEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with