Nakabawi na si Claudine!

Habang pinapanood namin ang exclusive interview ni Claudine Barretto sa The Buzz noong Sunday, we can’t help but feel for her. She was so honest, sincere and straight. Sa nasabing interbyu, lumabas ang katotohanan kung ano’ng klaseng pagmamahal ang iniukol ni Claudine sa namayapang boyfriend. Lumabas din ang katotohanan sa isyung pagpigil kay Claudine ng pamilya ng namayapang boyfriend na makita ito sa burol.

While watching the said interview, iba’t iba ang natanggap naming reaksyon mula sa mga kaibigan at colleagues. Lahat sila ay naawa kay Claudine. May mga umiiyak para sa aktres. Mayroong mga anti-Claudine na naiintindihan na ang aktres ngayon.

Ang nasabing interbyu ay ang huling pagkakataon na magsasalita pa si Claudine. Ito ay para tapusin na ang iba’t ibang isyung ibinabato sa kanya. Nawa’y matapos na nga ang pagtuligsa kay Claudine ng ilang kasamahan sa panulat para makabangon na ito at makapagsimula ng bagong buhay.

At kung may ilan na patuloy pa ring titirahin si Claudine, for reasons na sila lang ang nakakaalam, nasa kanila na lang ’yun. Tutal, sa simula pa naman ay intensyon na nilang saktan talaga ang aktres sa mga iniimbento nilang balita. Siguro doon sila maligaya.
* * *
Speaking of Claudine, tuluy-tuloy ang gagawin niyang pagtatrabaho sa ABS-CBN at Star Cinema. Hindi totoong aalis siya sa Dos at lilipat sa GMA 7. Malinaw na isa naman itong imbento ng GMA 7. Bukod sa regular na pagri-report sa set Sa Dulo Ng Walang Hanggan, nakatakda niyang simulan ang movie nila ni Aga Muhlach under Star Cinema.

Magsisimula ito sa unang linggo ng Mayo at ang major scenes ng movie ay kukunan sa Bicol in preparation for her role. Gano’n din si Aga Muhlach. Si Rory Quintos (the director who gave us the highest grossing movie of all time, Anak, ang director ng movie). After nito ay sisimulan din niya ang isa pang pelikula.

So, with her projects na kaliwa’t kanan, saan naman puwedeng ipasok ang anggulong lilipat na ito? Mag-isip-isip nga ang ilang mapag-imbentong nilalang!
* * *
Balik-ASAP si Carol Banawa. Malinaw na babalik din ito sa kanyang orihinal na tahanan. Kaya kaliwa’t kanan ang ginagawang pagtira sa kanya ng kampo ng GMA 7. Dahil inakala ng mga ito na makukuha nila si Carol. Pero mas nanaig kay Carol ang pagpapahalaga sa kanyang pinagmulan.

Hindi man ngayon kabilang si Carol sa pamilya ng ABS-CBN Talent Center, she remains to be indebted sa mga tao dito. Malaki pa rin ang pagpapahalaga niya kay Johnny Manahan bilang second dad niya.

"Halos wala namang pinag-iba, eh. I still work with my friends at Talent Center. Si Mr. M pa rin ang director ko sa ASAP. Wala namang magiging pagkakaiba eh dahil kaibigan ko pa rin sila. And of course, hindi ko inaalis na talagang malaki ang utang na loob ko sa Talent Center at kay Mr. M," sabi ng mahusay na singer.

Bukod sa pagbabalik sa ASAP, Carol is included as one of the guests sa One Night With Regine Velasquez sa April 26 sa National Museum. Carol is proud to be part of Regine’s show na inamin niyang idol niya. Bukod kay Carol, guest din sa nasabing benefit concert sina Roselle Nava, Bituin Escalante, JM Rodriguez, RJ Rosales at Ogie Alcasid. Kasama rin dito ang San Miguel Philharmonic Orchestra at San Miguel Chorale.

Si Ryan Cayabyab ang musical director nito at si Johnny Manahan ang over-all director. Ang Bantay Bata 163 (ABS-CBN Foundation) ang beneficiary ng said concert.
* * *
For your comments and feedback, you can e-mail me at eric_john_salut@hotmail.com

Show comments