^

PSN Showbiz

Uuwi na si Priscilla!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Nakausap ko ang manager ni Priscilla Almeda at tiniyak niyang uuwi na ng bansa ang kanyang alaga sa Mayo para magbalik-showbiz. Kailangan niyang mag-promote ng kanyang album under Dyna Records.

Masayang ibinalita ng manager na may gagawing soap opera ang aktres kaya excited na ito sa muling pagharap sa kamera. Enjoy ngayon si Priscilla sa pag-aalaga ng kanyang first baby gayundin sa pagiging housewife. Pero ayaw daw munang idetalye ng manager ni Priscilla kung ano ang magiging pamagat ng soap opera.
Aiza, Pangarap Maging Detective
Buong maghapon kaming magkasama ni Mommy Caring (ina ni Aiza Seguerra) kaya mahaba ang naging kwentuhan namin tungkol sa kanyang anak. Abala ito ngayon sa promosyon ng second single na "Akala Mo" na inaasahan ding maging isang malaking hit gaya ng "Pagdating Ng Panahon" na nagkamit ng quantuple record award under Vicor Music.

Maliit pang bata si Aiza at wala pa sa showbiz ay talagang mahilig na sa musika ayon mismo sa kanyang ina. Kahit anong bagay na mahawakan ay ginagawa nitong mikropono at kanta nang kanta. Kaya nga dahil sa pagiging bibo ay isinali siya "Little Miss Philippines" ng Eat Bulaga na naging daan para siya sumikat bilang artista. Hindi kagandahan ang boses niya pero desidido siyang mahasa sa pag-awit kaya halos araw-araw ay kumakanta siya sa kanilang karaoke hanggang magpasyang mag-undergo ng voice lesson sa UP. Nag-aral din siyang tumugtog ng gitara sa tulong ng kanyang mga pinsan.

Dumating ang puntong nag-lay low muna sa showbiz si Aiza hanggang maging recording artist. Sinuwerte siyang muli dahil sa pagpatok ng kanyang awiting "Pagdating Ng Panahon" kaya naging aktibong muli ang singing career. Ngayon ay hindi magkandaugaga sa rami ng offer para sa singing commitment ang aktres hindi lang dito kundi gayundin sa ibang bansa. In-demand ngayon si Aiza dahil hindi sila pinabayaan nang nasa Itaas. Kapag may problema ang pamilya ay kapit-kamay sila kung magdasal ng rosaryo gabi-gabi kaya nakakabangon kahit anong mahigpit na pagsubok ang dumating sa kanilang buhay.

May isa pang pangarap si Aiza at ito’y ang pagpapatuloy ng pag-aaral. Gusto niyang pumasok sa Philippine College of Criminology kapag may panahon at gustong maging detective. "Naiinis kasi ako sa mga corrupt na tao kaya gusto kong ako mismo ang humuli sa mga taong sangkot sa masasamang gawain. Kaya hindi nagiging maganda ang takbo ng ating bansa dahil sa ganitong klase ng tao," aniya.

May balak nga siyang tumakbo bilang chairman ng Kabataang Barangay sa kanilang lugar kaya lang napaka-busy niya kaya maaaring sa susunod na taon na niya gawin ito. Uunahin muna niya ang pagtatag ng Aiza Seguerra Foundation.
Eddie, Tinanggap Agad Ang Offer
Hindi nagdalawang salita si Eddie Garcia nang tanggapin ang offer ng GMA para sa Kung Mawawala Ka. Ikinuwento pala ni Direk Joel Lamangan ang magiging role nito ay nagustuhan na agad ni Eddie dahil interesting ang istorya. Ayon pa rin sa premyadong aktor, first time niyang lumabas sa soap opera bagamat nakalabas na siya sa isang komedi kasama si Janno Gibbs.
Maui, Magbo-Bold Na?
Dating pa-cute lang ang mga roles na ibinibigay kay Maui Taylor dahil sa kanyang maamong mukha. Kaya naman marami ang nagulat nang biglang naglabasan sa mga tabloids ang mga sexy pictures ng dalaga. Marami ang nagtanong kung makikipagsabayan ba siya kina Assunta de Rossi, Rica Peralejo at Raven Villanueva. Walang kagatul-gatol niyang inamin na pa-sexy lang naman ang kanyang tatanggapin at hindi pa siya handa para magkaroon ng frontal nudity.

Nakakontrata siya ngayon sa Viva Films for three years at ayon sa dalaga, maganda ang plano sa kanya ng kumpanya.

Pero di pa man nagsisimula sa kanyang pagpapa-sexy ay tila may away na sila ni Raven Villanueva. Balita kasing dinedma siya nito nang batiin niya at magkita sa isang awards night. Siguro daw ay insecure sa kanya dahil bukod sa mas bata siya at makinis ay hindi pa siya nagkakaanak kaya wala siyang mga stretch marks sa katawan at totoo ang kanyang boobs.

Abangan na lang natin ang susunod na paghaharap ng dalawa na balitang magkakasama sa pelikulang Boso.
Blind Item: Mahilig Sa Mestiso Ang Premyadong Aktor
Kahit may edad na ang dating sikat na aktor na ito ay madalas pa rin itong makita sa mga music at gay bar dahil sa hilig pa rin niyang mag-pick-up ng mga bagets. Type niya ay mga mestiso lalo na yong mga foreigner.

Hiwalay na siya sa kanyang asawa at may nagsasabing baka ang dahilan ng kanilang paghihiwalay ay ang panlalaki nito. Mas maligaya pa yata siya sa piling ng kabaro kaysa sa mga babae.

AIZA

CENTER

DAHIL

KANYANG

KAYA

PAGDATING NG PANAHON

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with