Beauty iniside & out

Sa kabila naman ng pagtatangka ng marami na maungusan si Kristine Hermosa hindi lamang bilang pangunahing artista ng ABS CBN at bilng isang kabataan na nagtataglay ng isa sa may pinaka-magandang mukha sa showbiz, hanggang ngayon ay patuloy at matatag si Tintin sa kanyang pedestal na kinalalagyan.

Not even the threat of an international personality na tulad ni Donita Rose na sinasabing interesado sa kanyang kaparehang si Jericho Rosales ay ayaw niya proproblemahin. "Alam ko kung saan ako nakatayo pagdating sa aming tambalan ni Echo," aniya during the launch of ABE, International College of Business and Accountancy na kung saan ay nakuha siyang spokesperson at kung saan ay kasalukuyan siyang nagtatapos ng kursong e-business and technopreneurship. "Kung hindi nga lamang sa aking kaabalahan, baka isang regular college course ang matatapos ko pero, dahilan nga sa aking trabaho kung kaya mga short courses lamang na gaya ng ibinibigay ng ABE ang kaya ng aking schedule. Pero kapag nakakita ako ng pagkakataon, babalikan ko ang aking pag-aaral," dagdag pa niya.

A beauty inside and out, sunud-sunod ang accomplishments ng magandang artista. Hanggang ngayon namimintina ng kanyang seryeng Pangako Sa ‘Yo ang mataas nitong ratings sa TV. Ito ay sa kabila ng pagdagsa ng mga kaparehong palabas hindi lamang mula sa mga kalabang istasyon kundi maging sa kanyang sariling bakuran. Ratsada rin siya sa paggawa ng mga komersyal. Maging ang kanyang pinaka-huling pelikulang ginawa ay kumita sa takilya.
*****
Walang panahon ang matalentong kabataang bituin na si Susan Lozada na ma-miss ang local showbiz sa abroad. Una, abala ito sa kanyang napakaraming gawain sa US. Bukod sa nakapagtapos siya ng kurso sa cosmetology na pinakikinabangan na niya ngayon ay napakarami pa rin niyang imbitasyon para mag-show para sa kapakanan ng marami nating kababayan dun.

Bukod sa isang magaling na singer, dancer din siya, eksperto sa jazz at tap dance at tumutugtog ng saxophone. Sayang nga lamang at nawala sa ere ang That’s Entertainment na kung saan siya ay kabilang. Hindi sana niya maiisip na pumunta na ng Amerika. Pero bago ito naganap, nagkaroon pa siya ng isang matagumpay na serye sa TV, ang (Si Tsong at Si Tsang). Pero, matapos itong mawala sa ere ay hindi na masyadong nagamit pa ang kanyang mga talents. Kaya niya naisip na umalis.

Katulad nang ginagawa ng kanyang ina dito na kung summer ay nagtuturo ng mga makabagong pamamaraan sa swimming, ganun din si Susan sa US. Sa natutunan nito sa kanyang ina na isang dating Olympian swimmer, Gertudes Lozada, isang session lamang ay nakakalangoy na ang mga estudyante nila ng 25 metro sa pool.

"Sana naririto si Susan, madaling mag-adjust sa kanya ang mga bata," pauna ni Tuding. "Ako, yung mga matatanda na lamang ang aasikasuhin ko. Pero dahil enjoy siya sa US, sa akin natotoka ang pagtuturo sa mga bata at matatanda," anang magaling na swimmer, na kung napapansin n’yo ay may karatula sa Kamaynilaan na nag-aanyaya sa mga gustong matutong lumangoy. Maaari siyang tawagan sa 8009095/8052780 at 09178436954.
*****
Gustong kong batiin ang dalawang kabataang hearing impaired ng kinabibilangan kong STEAM na sina Cromwell Umali at Divina Gao-Ay sa kanilang wedding nung Sabado, Abril 20 na ginanap sa Alilem, Ilocos Sur.

Dahil sa kalayuan ng lugar ay hindi nakarating ang marami nilang sponsors gaya ng mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales at ang mag-asawang nagpasimuno ng STEAM na sina Ogie at Rose Vergara. Pero, babawi sa dalawa ang mga ito sa isang post nuptial love offering na magaganap sa May 11 sa Aga Muhlach Centre for the Deaf. Dadaluhan din ito ng deaf community ng STEAM at ng mga pamilya’t kaibigan nila. Ang mga ikinasal ay unang nagkakilala sa STEAM na kung saan ay sumailalim sila sa isang pagsasanay bago sila nakuha sa kasalukuyan nilang gawain. Si Aga ang kasalukuyang Chairman of the Board ng nasabing organisasyon.

Show comments