^

PSN Showbiz

Asawa ni Niño, buntis na naman

RATED A - Aster Amoyo -
Although magwa-one year-old pa lamang sa darating na June 14 ang panganay nina Niño Muhlach at wife nitong si Edith Millare-Muhlach na si Alessandro Martinno, two months pregnant na ngayon si Edith sa kanilang magiging second baby at umaasa ang mag-asawa na girl na ang susunod nilang anak.

Sa kabila ng kanyang pagiging maybahay ngayon ni Niño at ina ni Sandro, ipinagpapatuloy pa rin ni Edith ang kanyang pag-aaral ng Masscom sa St. Joseph’s College (Quezon City) at determinado siyang makatapos. Pero malamang na pansamantala na naman itong mahinto dahil nga sa kanyang kundisyon ngayon.

Si Onin naman ay nagbabalak mag-aral ng TV and movie directing sa New York. Balak din ng mag-asawa na magtayo ng sarili nilang negosyo lalupa’t magkakaroon ng bagong karagdagan ang kanilang pamilya.

Sa totoo lang, malaki na talaga ang ipinagbago ng dating child sensation magmula nang magkaroon siya ng sariling pamilya.
* * *
Umalis nung nakaraang Miyerkules (April 17) si Pops Fernandez patungong Atlantic City para sa kanyang live concert with the Apo Hiking Society sa Taj Mahal noong nakaraang April 20. Agad bumalik ng bansa si Pops para sa promo ng kanyang unang pelikula with Robin Padilla, ang Videoke King, isang romance-comedy na dinirek ni Jerry Sineneng under Star Cinema. Ito’y nakatakdang ipalabas sa darating na Mayo 1.

Hindi kinakaila ng dating misis ni Martin Nievera na nag-enjoy siya nang husto sa first team-up nila ni Robin na isa sa malalapit niyang kaibigan.

Di tulad sa mga naunang nakapareha na ni Robin na parating nali-link sa kanya, malabong ma-link sa isa’t isa ang dalawa dahil sa kanilang pagiging magkabarkada.

Hinding-hindi rin makakalimutan ni Robin ang ginawang pagtulong sa kanya ni Pops para makakuha siya ng US visa. Sinamahan pa umano niya si Pops sa US Embassy at suwerte naman at nabigyan siya ng visa kaya siya nakarating ng Amerika nung nakaraang taon.
* * *
Masuwerte ang magkasintahang Tonton Gutierrez at Glydel Mercado dahil pareho silang may sariling drama serial na tumatakbo ngayon sa ABS-CBN Channel 2.

Si Tonton ay nasa Pangako Sa ‘Yo habang si Glydel naman ay nasa Sa Dulo Ng Walang Hanggan at parehong markado ang kanilang respective roles.

Samantala, marami ang nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabalak ang dalawa na lumagay sa tahimik to think na apat na taon na silang magkasintahan.

Aminado si Glydel na si Tonton ang pinakamatagal niyang naging boyfriend at si Glydel din ang pinakamatagal na naging girlfriend ng panganay ni Liza Lorena. Huwag sana silang matulad sa ibang magkasintahan na kung kelan matagal na ang kanilang relasyon ay saka naman ito nauwi sa hiwalayan.
* * *
Kung gugustuhin ng GMA-7, puwede na silang bumuo ng isang sitcom na tatampukan ng mga alaga ni Douglas Quijano na sina Richard Gomez, Joey Marquez, Anjo Yllana, Jomari Yllana at Wendell Ramos. Bakit hindi sila magbuo ng isang programa na ala-Palibhasa Lalake o di kaya ala-Iskul Bukol ang format?

Ang apat sa limang nabanggit ay may kani-kanya nang programa sa rival network ng ABS-CBN. Si Richard ay kasama na nina Janice de Belen at Paolo Bediones sa S-Files at magkakaroon pa umano ito ng sarili nitong drama program with Christopher de Leon. Si Joey ay nasa Kool Ka Lang, si Wendell sa Bubble Gang habang si Anjo ay nasa Eat Bulaga at Beh, Bote Nga. Si Jomari naman ay dating may regular program sa Siyete, ang Kiss Muna na wala na ngayon sa ere.
* * *
Personal: Belated birthday greetings sa isang espesyal na kaibigan, si Mother Ricky Reyes na nagdiwang ng kanyang kaarawan nung Abril 12 and belated happy birthday to another good friend, Ricky Lo on April 21.
* * *
aster_amoyo@ dolphincall.co.jp

vuukle comment

ALESSANDRO MARTINNO

ANJO YLLANA

APO HIKING SOCIETY

ATLANTIC CITY

BOTE NGA

BUBBLE GANG

CENTER

GLYDEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with