Ayon pa rin sa aktres, nakahanda siyang isuot ang sexy costume ni Darna at kailanman, hindi niya ito ituturing na malaswa. "Bakit naman aayawan ko iyong costume ni Darna eh talagang ganoon iyon ka-sexy. Wala akong nakitang malaswa doon and Im very willing to wear it.
"Carry ko naman ah, Pintados ata ako!"
As of presstime, malaki ang posibilidad na kay Angelika maibigay ang naturang komiks karakter lalo na siguro kung i-request ito ng aktres sa big boss ng Viva.
Kung mananatiling nasa ABS-CBN si Jolina, tiyak na gagawa ito ng pang-Metro Manila Film Festival na may pagka-Sa Puso Ng Pasko ang dating. Posible namang gawin ni Judy Ann ang isang pelikulang pagtatambalan nila ni Piolo na may temang pantasya rin.
So, para kanino si Darna? Napapanahon ba ang paglipad niya ngayong Kapaskuhan? O hanggang press release lang muna siya? (Ulat ni Alex Datu)