With the release of Gary Valenciano "One2One" na kung saan magkasama nilang inawit ang naunang hit ni Jose Mari Chan na pinamagatang "Can We Stop And Talk A While." Bago ito tumunog na ang pangalan ni Kyla sa mundo ng recording sa pagbulusok ng "Hanggang Ngayon" at "I Feel For You".
Nakatakda siyang mas sumikat pa sa pamamagitan ng dalawang gabing konsyerto na pinamagatang Emotions at prodyus ng MDM Productions.
Matagumpay ang unang gabi na ginanap nung Abril 16 na kung saan ay nakasama niya sina Rey Kilay at ang grupong Synch O.
Sa Abril 30, ibabalik siya ng MDM sa concert stage, sa Ratsky Morato. Naroroon muli si Rey Kilay para bigyan siya ng suporta, at si Willie Revillame.
Kakaunti ang nakakaalam na galing ng Thats Entertainment si Kyla. Kabilang siya sa Wednesday group. Iba lamang ang pangalang ginagamit niya nun. Hindi siya isang overnight sensation na gaya ng akala ng marami. Dumaan din siya, so to speak, sa butas ng karayom para niya nakamtan ang tagumpay.
Habang wala siyang ginagawa pang pelikula, abala si Mikey sa pinamumunuan niyang Mikey Against Poverty (MAP) at ang muling operasyon ng Diosdado Macapagal International Airport sa Clark. Sinabi ni Mikey na ang lahat ng kanyang mga proyekto ay may mithiing mapabuti ang kabuhayan ng kanyang mga kababayan sa Pampanga.