Siya si Joanna Bacalso, ipinanganak sa Pilipinas pero lumaki sa Toronto, Canada. "Isang tiyahin ang nag-sponsor para makapunta kami ng aking pamilya sa Toronto nung walong taong gulang ako. Isang doktor ang aking ina na hanggang ngayon ay nanggagamot pa sa Toronto," ani Joanna. "Pumasok ako sa isang all girls school at lumaki akong isang tomboy. Isa akong quarterback sa aming football team at hindi pa makapagli-lipstick kundi pa ako naging modelo."
Naging maswerte siya nang mabuksan ang Toronto market para sa mga Asyano. "Hindi ako marunong mag-high heels pero, pinag-aralan ko dahil mas madaling paraan ito para kumita at matustusan ko ang aking pag-aaral."
Unang pelikula niya ang Car 54, Where Are You?. Maliit lang ang role pero nagsimula ito ng marami pang pelikula. Nakasama siya sa Kung Fu, La Femme Nikita, Veronicas Closet at Wish You Were Here at pagkatapos ay sa malalaking proyekto tulad ng District at Ally McBeal. Napanood din siya sa Bedazzled at Dude, Wheres My Car?
Nang ginawa ang Snow Dogs, naisip ng Disney na kumuha ng isang di kilalang ethnic actress. Di na naglalaro ng football si Joanna pero, atleta pa rin siya, "Im a kickboxer." Dahil gusto ng mga producer ng Matrix at Crouching Tiger, Hidden Dragon ang mga babaeng pisikal. Nakatira ngayon si Joanna sa LA.
Kasama rin sa movie si James Coburn.