^

PSN Showbiz

Isang Pinay sa Disney film

-
Isang Filipina ang leading lady ni Cuba Gooding, Jr. sa pelikulang Snow Dogs ng Walt Disney Pictures at ipinamamahagi locally ng Buena Vista International.

Siya si Joanna Bacalso, ipinanganak sa Pilipinas pero lumaki sa Toronto, Canada. "Isang tiyahin ang nag-sponsor para makapunta kami ng aking pamilya sa Toronto nung walong taong gulang ako. Isang doktor ang aking ina na hanggang ngayon ay nanggagamot pa sa Toronto," ani Joanna. "Pumasok ako sa isang all girls school at lumaki akong isang tomboy. Isa akong quarterback sa aming football team at hindi pa makapagli-lipstick kundi pa ako naging modelo."

Naging maswerte siya nang mabuksan ang Toronto market para sa mga Asyano. "Hindi ako marunong mag-high heels pero, pinag-aralan ko dahil mas madaling paraan ito para kumita at matustusan ko ang aking pag-aaral."

Unang pelikula niya ang Car 54, Where Are You?. Maliit lang ang role pero nagsimula ito ng marami pang pelikula. Nakasama siya sa Kung Fu, La Femme Nikita, Veronica’s Closet at Wish You Were Here at pagkatapos ay sa malalaking proyekto tulad ng District at Ally McBeal. Napanood din siya sa Bedazzled at Dude, Where’s My Car?

Nang ginawa ang Snow Dogs, naisip ng Disney na kumuha ng isang di kilalang ethnic actress. Di na naglalaro ng football si Joanna pero, atleta pa rin siya, "I’m a kickboxer." Dahil gusto ng mga producer ng Matrix at Crouching Tiger, Hidden Dragon ang mga babaeng pisikal. Nakatira ngayon si Joanna sa LA.

Kasama rin sa movie si James Coburn.

vuukle comment

BUENA VISTA INTERNATIONAL

CROUCHING TIGER

CUBA GOODING

ISANG

ISANG FILIPINA

JAMES COBURN

JOANNA

JOANNA BACALSO

SNOW DOGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with