^

PSN Showbiz

Naiibang travel show nina Eric at Jeffrey

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Hindi na talaga maawat ang mga product endorsements ng Hunks. After ng pagi-endorse ng ABS-CBN Consumer Products clothing apparel, ipinapalabas na rin ang kanilang Coke commercial in line with the Musicola theme ng nasabing softdrink.

Bukod pa rito, mayroon din silang mga individual endorsements na mainit ang pagtanggap ng mga consumers. Just recently, Piolo Pascual and Jericho Rosales ang pinakabagong product endorsers ng Sara Lee. Sina PJ at Echo ang magpapakilala ng Saralee’s newest line of men’s perfume.

"I think we really had a good choice of getting Piolo and Jericho as our product endorsers. We believe na magiging maganda ang feedback ng mga consumers sa bagong line ng Sara Lee men’s perfume," according to a Sara Lee insider.

Kahapon ginanap ang contract signing nina Piolo at Jericho sa Sara Lee office kasama ang mga big bosses ng nasabing kompanya. Hindi napigilan ng mga employees ang magkagulo nang makita ang dalawang aktor. Halos lahat ay sinamantala ang pagkakataon na magpa-autograph at magpa-picture. Nakakatuwa sila dahil hindi nila alintana ang kanilang posisyon para makita at mahalikan ang dalawang guwapong aktor.

Mukhang magiging maganda ang sales ng Mr. Next Door perfume na ini-endorso ni Piolo at Mr. Guy scent naman ni Jericho. Knowing the good image and popularity ng dalawa, sure kami magiging warm ang pagtanggap sa kanilang bagong product endorsement.
* * *
Dream come true para kay Eric Quizon ang mag-host ng isang locally produced travel show entitled Road Trip. Excited si Eric dahil first time niyang mag-host ng ganyang tipo ng show kung saan makakasama niya ang kanyang kapatid na si Jeffrey Quizon.

"I didn’t have second thoughts accepting the project. Exciting kasi dahil bukod na it’s a work, we get the chance to travel and discover a lot of things in the island," according to Eric.

Kakaiba ang Road Trip dahil pinagsama ang mga exciting segments na pattern sa mga shows tulad ng Wild On E at Lonely Planet. Ipapakilala ng nasabing program ang mga tourist destinations dito sa Pinas at sa Southeast Asia through a funny and surprising story lines na involve ang mga taong naninirahan sa mga featured places.

"Confident ako na magugustuhan ng viewers ang Road Trip dahil makaka-identify sila sa nature ng show. We seek to highlight some of the most unique aspects about islands," kwento pa ni Kaizz. Si Eric din ang executive producer ng nasabing show kaya pihadong pulido ang pagkakagawa ng nasabing show.

On its first episode, ipi-feature ang Sinulog Festival in Cebu. Ipapakilala ang new aspects ng Cebu province na madalas ma-overlooked by most visitors. Meron ding mga totoong kwento and testimonies from people who trully love Cebu. Isang foreigner who calls himself "Mr. Christmas" ang magkukwento ng kanyang experience sa nasabing lugar.

Road Trip
is an one-hour fast paced travel show with lively commentary, visual effects and recognizable musical score. Premieres on April 21, 11:00 pm at RPN.
* * *
For your comments and feedback, you can e-mail at [email protected].

CEBU

CONSUMER PRODUCTS

ERIC QUIZON

IPAPAKILALA

JEFFREY QUIZON

JERICHO ROSALES

ROAD TRIP

SARA LEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with