Isang corrupt na abogado

Isang baguhan sa showbiz world si Edgar Sandalo, pero unti-unti na siyang gumagawa ng pangalan bilang kinasusuklaman na lawyer na karaniwang papel na ginagampanan niya sa mga ilang TV soaps na kasama siya.

Gaya ng Pangako Sa ‘Yo, bilang abogadong corrupt ng malditang si Klaudia (Jean Saburit) na ka-split niya sa kawalanghiyaan. Siya rin ang lawyer ni Greta (Isabel Rivas) na ginawan ng paraan na masalin kay Greta ang mga kayamanan ng kanyang nasirang asawa para lang huwag itong malagay sa pangalan ng anak ng yumao.

Si Edgar din ang corrupt na lawyer nina Pilar Pilapil at Jaime Fabregas na nagawan ng paraang masalin sa pangalan nila ang kayamanan nina Angeline (Claudine Barretto) kaya’t namulubi ito. Dito sa Tuesday episode ng NBI Files, second presentation ng NBI Rexai Productions, isa siyang businessman na mamamatay tao. Sa tunay na buhay, si Edgar ay isang mabait na may katungkulan sa SSS, hindi raw siya abogado, nagkataon lang na kaya niyang dalhin. Guwapo si Edgar at makisig tumindig. Letty G. Celi

Show comments