^

PSN Showbiz

Parada ng Primeline ngayong summer

-
Ang Song Goddess na si Lani Misalucha - na sinalubong ang summer ng kanyang concert series sa Greenbelt’s Onstage - ay pinangunahan ang parada ng mga artista ng Primeline ngayong buwan ng Abril.

Matapos ang mga provincial show ng singer sa Pangasinan, inumpisahan ni Lani ang kanyang show na pinamagatang Lani On Stage: A Crossover Special kasama ang kanyang special guests na sina Radha at Jed Maddela. Ang naturang pagtatanghal ay sa ilalim ng direksyon ni Rowell Santiago kasama sina Louie Ocampo bilang musical director at si Noel Ferrer bilang scriptwriter. Ang Lani On Stage: A Crossover Special ay handog ng 105.1 Crossover, ang outfit na nasa likod din ng matagumpay na major concert ng diva sa Araneta Coliseum noong September 2001. Ang mga araw ng pagtatanghal ng Lani On Stage ay sa Abril 19, 20, 26, at 27.

Katatapos lang ng batang diva na si Karylle sa recording at shooting ng music video ng Kung Mawawala Ka para sa bagong teleserye ng GMA-7 na may parehong pamagat. Ang bagong teleserye ay tinatampukan ng mga bituin na gaya nina Hilda Koronel, Sunshine Dizon, Ara Mina, Cogie Domingo, Jay Manalo, at ang premyadong aktor-direktor na si Eddie Garcia.

Maliban sa paglabas sa series ni Lani Misalucha, abala rin ngayon si Jed Maddela sa paglabas sa TV at pagkanta kasama ang bagong bandang Prime Council Band. Si Jed ang isa sa bokalista ng nasabing banda kasama sina Radha at Gail Blanco.

Inilunad ni Tootsie Guevara ang kanyang ikalawang single na may titulong "Sa Puso Ko" mula sa kanyang pinakabagong album sa ilalim ng Star Records. Magiging abala rin ngayon si Tootsie dahil sa mga mall tour na mangyayari ngayong Abril at Mayo.

Ang model at aktres na si Nancy Castiliogne ay makikita sa soap opera ng GMA-7 na Sana ay Ikaw na Nga at sa thursday edition ng top-rating noontime show ng ABS-CBN na MTB. May mga TV guestings at corporate shows din na nakalinya para kay Nancy ngayong buwan.

Abala rin ngayong Abril ang team to beat sa morning radio na sina Chico Garcia at Delamar Arias, na mas kilala sa kanilang loyal listeners bilang Chico and Delamar sa Morning Rush sa KCFM.

Kasama ni Radha, na lalabas din sa Lani On Stage sina Jed Maddela, Gail Blanco (na busy ngayon sa pagpe-prepare ng kanyang debut album mula sa MCA-Universal), at ang Prime Council Band sa mga live gigs tuwing Wednesday sa Ratsky’s Morato.

Isa pang pananabikan ngayong Abril mula sa Primeline ay ang paglulunsad ng 604, ang pinakabagong acappella boy group ngayon. Ang grupo, na kinabibilangan ni Francis, Ryan at Niño, ay makakasama ng GMA-7 family bilang pinakabagong mainstay ng SOP. Sina Francis, Ryan at Niño ay nagsama-sama upang buuuin ang 604 noong 1994 sa Toronto, Canada kung saan sila naka-base. Mula noon, maririnig na ang fresh music ng grupo sa buong mundo, gaya ng 1998 MTV/Billboard Asian Music Conference sa Hongkong, sa National Basketball Associaton (NBA) at sa National Hockey League. Naging opening act din sila ng internationally-renowned pop group na 98 Degrees nang magtanghal ito sa Vancouver, Canada.

vuukle comment

A CROSSOVER SPECIAL

ABRIL

ANG SONG GODDESS

ARA MINA

GAIL BLANCO

JED MADDELA

LANI MISALUCHA

LANI ON STAGE

PRIME COUNCIL BAND

RADHA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with