Ayon kay Guy, matagal na niyang pangarap na magkaroon ng public service program at tatlong taon na nilang pinag-uusapan ang tungkol dito pero ngayon lamang maisasakatuparan.
Ang pagnanais niyang makatulong laluna sa mahihirap ang siyang nagbunsod na pasukin ni Guy ang pulitika pero sa kasamaang palad, hindi siya nanalo. Ayon na rin sa kanya, it will be her first and last try sa pulitika.
"Nagsimula ako sa mahirap. Bukod sa pagtitinda ng tubig sa riles ng tren, may mga pagkakataon na ipinag-iigib ko ng tubig ang kapitbahay namin at binibigyan naman ako ng diyes o sampung sentimo," kuwento ni Guy over lunch sa Dulcinea.
Samantala, ang ibat ibang segments ng programang N.O.R.A. Mismo ay ang "Pag-usapan Natin," "Bawal Pong Maglimos," "Problema Ba Yan," "Kaya Kong Magtrabaho," "Bata, Bata," "Wow-Inspirasyon," "Problema Mo, Lunas Ko," "Isa ang ating Planeta" at ang "Babae" na ang focus naman ay tungkol sa isyu ng mga kababaihan. Ang kanilang proteksyon at karapatan.
Sinabi ni Guy na mag-iikot sila sa mga bayan-bayan laluna sa mga depressed areas ng Pilipinas. At para naman hindi gaanong maging mabigat ang talakayan, magkakaroon din si Guy ng lingguhang MTV na ipapalabas sa programa.
Dahil sa pagkakaroon ni Guy ng isang public service program, may mga nagtanong tuloy kung tatalikuran na niya ang kanyang acting and singing career.
"Hinding-hindi ko puwedeng talikuran ang aking acting at singing career dahil bahagi na yon ng buhay ko. Itong public service program na sisimulan ko ay panibagong kabanata lamang ng aking buhay," aniya.
Sinabi rin ni Guy na balak din ng kanyang mga producer na muling i-revive ang kanyang mga nawalang TV shows, ang Superstar at Ang Makulay na Daigdig ni Nora.
Although kilala si Robin sa pagiging lady killer, hindi ito nag-try na ligawan ang ex-wife ni Martin Nievera dahil magkaibigan sila kasama ang kapatid nitong si Rustom Padilla.
Marami silang kissing scenes ng dating bad boy ng local cinema and each time na magkakaroon sila ng kissing scene ay panay ang kanilang tawanan ni Robin.
"Kung tutuusin, mas mahirap maka-kissing scene ang taong kakilala at kaibigan mo na. Nakakailang," ani Pops.
Aminado din siyang masarap umanong katrabaho si Robin dahil napaka-thoughtful nito sa kanyang co-stars.
"Although kakilala at kaibigan ko na si Robin, noon ko lang siya lubos na nakilala nang husto. Marami akong na-discover na magaganda niyang qualities. Kaya pala madaling main-love sa kanya ang mga babae," kuwento pa ni Pops.
Posible bang ma-in love kay Robin ang isang Pops Fernandez?
"Madaling mahalin si Robin. But in may case, iba siguro dahil alam kong may asawa na siya," diin pa niya.
Samantala, habang nagbabakasyon si Pops sa Amerika, nagkita din umano sila roon ng kanyang ex-husband na si Martin. Since maganda ngayon ang relasyon ng ex-couple, willing si Pops na mag-guest sa programa ni Martin (Martin Late @Nite) para i-promote ang movie nila ni Robin.