Hanggang isang araw ay nagkita ang dalawa at hindi na niya pinakawalan ang pagkakataon. Pinilit niyang akitin ang guwapong TV host at nang gabing yon ay naganap ang milagro. Sabi nga ng TV host ay lalaki lang siya at sino naman ang tatanggi kapag palay na ang lumalapit sa manok.
Palaban talaga ang aktres at panay ang bulong nito sa lalaki. Nang wala nang tao sa VIP room ay pinaupo ni boldie ang TV host sa mesa at biglang dinakma ang bahaging nasa pagitan ng dalawang hita nito. Natural nag-init ang lalaki at binuksan ang zipper ng pantalon nito at sumubsob dito ang aktres ayon sa aking kaibigang source. Matagal-tagal din yon at nang mag-init na si boldie ay paupo siyang kumandong sa TV host. Natupad sa wakas ang pangarap ng seksing aktres na makaromansa ang matagal nang pinapangarap na TV host.
Kontrobersyal ang sexy star at na-link ito sa isang sikat na matinee idol ng isang major company samantalang ang TV host ay sikat din at araw-araw na napapanood sa telebisyon na kakaiba ang tema ng kanyang programa.
Kung mali-link naman siya sa iba ay mas mabuti pang sa anak na lang ni Chavit siya mapunta dahil wala itong sabit at halos magkasing-edad lang sila.
Tuwang-tuwa si Mommy Guapa dahil hindi nasira ang pangako sa kanya ng kanyang unica hija na makatapos. Stable pa rinang relasyon ni Isa at ng baguhang singer na si Geryk Genaski.
Ngayong tapos na sa pag-aaral ang magandang aktres ay magiging mapili ito sa kanyang proyekto at mas gustong sumabak sa drama kaysa magpa-sexy. Kapag may panahon ay kukuha rin siya ng units para maging ganap na piloto.
Enjoy ngayon sa pagta-taebo at pagbo-boxing si Juday. Sinasabayan pa niya ito ng Yoga at meditation. Hindi naman niya inaalintana ang hirap sa pagda-diet at pagwo-work-out dahil kapag nakakarinig siya ng magandang papuri tungkol sa katawan ay nawawala ang kanyang pagod. Ang ideal na 105 lbs. ay nakamit na niya na bumagay naman sa kanyang height na 54".
Tinatapos na ni Juday ang pelikulang Akala Mo na dating may pamagat na Bakit Ngayon Ka Lang na pinagtatambalan nila ni Dingdong Dantes.
May offer kay Richard para gumanap na bading na kailangan niyang makipaghalikan sa kapwa lalaki. Payag naman siyang gampanan ang role dahil doon nga masusukat ang galing umarte ng isang tunay na lalaki. Ang mahalaga ay matino ang proyekto at mahusay ang direktor.
Hanggang ngayon, hindi pa rin nagpapakasal ang aktor dahil gusto niyang maging matatag muna ang kabuhayan bago pumasok sa buhay may asawa.