Aga & Regine, Box-office King & Queen
April 12, 2002 | 12:00am
Maagang dumating ang mag-asawang Aga & Charlene Muhlach sa UP theater noong Miyerkules ng gabi para sa coronation night ng Box Office King and Queen. In a way, excited si Aga. Ito kasi ang unang pagkakataon na binigyan siya ng recognition ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Inc. "Nong nasa audience ako, okey lang ako, I mean parang wala lang. Pero nong tawagin ako sa stage, kinabahan talaga ako," he said after the coronation night. Muntik nang magkaroon ng issue tungkol sa pagkapanalo niya bilang box-office king dahil naglabas ang GMSFI ng unofficial lists na si Robin Padilla ang nanalo.
Si Regine Velasquez naman ay medyo late nang dumating. Escort niya si Gabby Eigenmann. Sinabi ng Asias Songbird na kahit kailan, hindi niya naisip na magiging queen siya. Isa sa mga pinasalamatan niya si Aga, "siya lang ang pumayag na maka-partner ako kasi lahat sila tinanggihan akong makasama sa pelikula."
Mr. RP Movies naman si Ricky Davao at Ms. RP Movies si Assunta de Rossi na simple lang ang white gown kumpara sa mga sinusuot niya sa ibang awards night.
Si Alessandra de Rossi ang Princess of RP Movies na nang tanggapin ang award ay lumabas ang pagiging komedyante. Natanggal kasi yung trophy niya sa base nito kaya nang pababa na ng stage panay ang dialogue na hindi yata ito para sa akin.
Most Popular Loveteam sina Jericho Rosales at Kristine Hermosa. Pero pareho silang wala para tanggapin ang nasabing pagkilala.
Most Popular Child Actor si Jiro Manio samantalang si Serena Dalrymple ang Most Popular Child Actress.
Pangako Sa Yo ang Most Popular Television Program. Sina Eula Valdez, Tonton Gutierrez, Carlo Muñoz and Evangeline Pascual ang tumanggap ng trophy.
Si Ms. Joyce Bernal ang Most Popular Movie Director, Most Promising Group ang The Hunks. Si Piolo lang ang present sa Hunks.
Most Promising Male Singer si Gabby Eigenmann samantalang si Kyla ang Most Popular Female Singer.
Si Aiza Sequerra ang Most Popular Female Entertainer. Wala rin si Martin Nieverra para tanggapin ang trophy para sa Most Popular Male Entertainer.
All Time Favorite Actor si Armando Goyena na may prepared speech samantalang si Armida Siguion-Reyna ang All Time Favorite Actress pero wala rin siya. Wala si Bibeth Orteza na usually ay representative or proxy ni Armida sa mga ganyang pagkakataon.
Kumpara sa mga awards night, hindi masyadong bongga ang preparation at presentor ng GMSFI.
Naging host ng coronation sina Dina Bonnevie at KC Montero.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended