^

PSN Showbiz

Di lang kay Piolo nakikipag-date si Pops

- Veronica R. Samio -
Hindi naman itinanggi ni Pops Fernandez na nakikipag-date siya ngayon. After all, kailangan naman niyang maging masaya. Besides, matagal na namang wala sila ni Martin Nievera. At kahit na marami pa ang umaasam na makita silang magkabalikang dalawa, hiniling ng tinataguriang Concert Queen na pabayaan na sila ni Martin sa kanilang sitwasyon ngayon.

"We’re both happy on our own now. At magkaibigan naman kami ni Martin, nag-uusap kami. Pabayaan na lamang natin ang ganitong sitwasyon. Ayaw kong magkabalikan kami ni Martin dahil gusto lang ng mga tao. At tanggap ko na ito ang gusto ng mga tao ngayon pero gusto ko naman na kung may magmamahal sa akin, yung dahil ako yun, yung tunay na ako," aniya.

Hindi itinanggi ni Pops na lumalabas siyang kasama si Robin Padilla, hindi lamang ngayon na may ipalalabas silang pelikula, ang Videoke King ng Star Cinema directed by Jerry Sineneng kundi maging noon pa man dahil, "Magkaibigan kami. Mahilig manood ng sine si Robin at kapag may gusto siyang ma-incorporate sa mga pelikula niya, niyaya niya ako at ipinakikita sa akin," ani Pops.

Idinagdag din niya na medyo nagkailangan sila ni Robin habang ginagawa nila ang mga lovescenes nila dahil na nga sa kanilang friendship. "We always end up laughing," kwento ni Pops.

Kaya hindi rin siya nainsulto nang hindi siya ligawan ni Binoe na tulad nang ginagawa nito sa mga nakakapareha niya for the same reason. Pero, ang special treatment na ibinibigay ni Binoe sa mga leading ladies niya at maging sa iba pang production crew ay ibinigay din sa kanya.

"Hindi na ako nagtataka kung bakit nakakagiliwan si Robin ng mga kapareha niya dahil mabait siya at maasikaso," pagtatanggol niya.

Maski kay Piolo Pascual ay sumasama siyang lumabas. "Hindi ko lang malaman kung bakit binibigyan nila ng malisya eh, hindi lang naman kaming dalawa, may mga kasama kami at nagi-enjoy lang kami. Pero, maski kaming dalawa lang ang lumabas I like him dahil hindi siya masyadong pa-bagets. And yes, I’ve seen his son in ASAP, although from afar. Guwapo ito at madalas ay ipinakikita ni Piolo ang photo nito sa amin sa ASAP," patuloy niya.

Inamin ni Pops na nasa LA siya nang mag-show sa US ang Hunks. "I watched the show. Bakit hindi, eh ka-trabaho ko sila sa show? I was in the US for almost two weeks. Wala nagbakasyon lang, nag-relax, pahinga, shopping. Kasama ko ang bunso ko, si Ram. My eldest Robin was left behind dahil may gagawin ito for our church," kwento niya.

Sinabi niya na hindi nagtagal ang relasyon niya sa kanyang French-Filipino boyfriend dahil na-realize nila, magkaiba ang lifestyle nila. "Hindi siya showbiz," imporma ni Pops. "Besides, I’m not looking for a super serious romance. Inspirasyon lang ang hanap ko. Kaya lang I feel that men are intimidated by women like me kahit na I’m only a simple person and I just want someone to love me, to add more color to my life."

Of the men that have been linked with her, sinabi niya na talagang wala ni munti man katotohanan yung ibinibintang sa kanila ni Troy Montero. At kung totoo man na nagkakamabutihan na ito at ang good friend niyang si Kris Aquino ay natutuwa siya para sa kanila.

Excited si Pops sa Videoke King dahil mapapanood ng kanyang mga anak ito. Dahil wholesome ito. Role niya ay isang interior design grad pero dahil sa kakapusan ng trabaho ay napilitang magtrabaho bilang isang supervisor sa isang tindahan ng sapatos. May best friend siya na nagtatrabaho sa Thailand. Nagpapa-design ito sa kanya ng bahay. At dahil may utang siyang P20,000 dito, no choice siya kundi sundin ang gusto nito. May bonus na pakiusap ito sa kanya, pakibili ng birthday gift ang fiancé nito. Ito ang magsisimula ng pagbabago ng kanyang buhay.

CONCERT QUEEN

DAHIL

LANG

NIYA

SIYA

VIDEOKE KING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with