Natatandaan pa ng aktres na laging may baong lampin si Claudine sa set ng kanilang pinagsamahang soap opera at pagkatapos ng taping ay tumatakbo agad ang aktres kay Rico at pinupunasan ang likod nito. Kapag nagtutungo ito sa condo ng aktor ay tsini-tsek ang kabayahan. Kapag walang laman ang ref ay namimili ito ng pagkain para ilagay doon. Kapag wala nang shampoo at cottonbud sa banyo ay bibili rin ito. Ito rin ang naglilinis ng inidoro ng aktor. Ganyan kamahal ni Claudine si Rico. Bago ito umalis ng condo ng nobyo ay nililinis pa rin nito ang mukha ng yumaong aktor kung saan para itong isang dermatologist. Kaya minahal nito nang labis si Rico at hindi pakitang-tao lang ang pakikiramay niya rito. Matatagalan pa siguro bago niya malimutan ang aktor kahit magkaroon ito ng bagong relasyon, anang source.
Bilang sagot ay nag-file ng kontra demanda ang seksing aktres para bigyan ng annulment ng kanyang producer ang kanyang natapos na kontrata sa kanila.
Itoy umikot sa buhay ng isang taong laging nasa ayos ang pamantayan sa buhay. Pero isang umaga ay nagising siya na wala na ang sariling identity. Sumabog ito sa galit at bilang paghihiganti ay pumatay ito ng mga tao lalo na yung nagkasala sa kanya na kinabibilangan ng nagtaksil na asawa, kaibigang nagwalanghiya at among itinuring siyang parang hayop. May demonyong sumapi sa kanyang katauhan na nagiging makapangyarihan sa bawat pinapatay niya.
Ayon kay Romero ang Devils Mask ay talagang katatakutan ng mga manonood sa bagong henerasyon dahil hindi ito gumamit ng masyadong prosthetics at special effects pero nanonoot sa kalamnan ang matinding takot.
Ang pelikula ay tinatampukan nina Jason Fleyng (Deep Rising), Peter Stormare (Armageddon), Leslie Hope at Nina Garbiras. Palabas na ito sa Abril 24 sa inyong mga paboritong sinehan.