Katulad nung kanyang debut, hindi na nagpa-party pa si Champagne. Tama na sa kanya yung nakapiling niya ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang daddy, para maging masaya ang dalawang huling kaarawan niya. Hindi pa man dumarating ang kanyang birthday ay pinayagan na siya ng kanyang mga magulang na humiwalay sa kanila ng tirahan at maging independent.
"It is a most beautiful birthday present, ang malaman na pinagkakatiwalaan ako ng parents ko kaya pumayag na silang bumukod ako. Matututo nga naman akong maging independent bilang paghahanda na rin sa nalalapit na pagtira ko sa US," paliwanag ni Champagne nang huli ko siyang makausap.
Simula nung bumukod siya ay natuto na siyang mag-budget ng kanyang oras at pera. Marunong na rin siyang mag-ayos ng bahay at ng kanyang mga gamit. Natuto rin siyang maging matapang.
"Its easier now dahil may kasama na akong yaya. But before, for three months, solo lang ako, nag-iisa. Talagang natuto akong magtrabaho. One thing I am proud of ay hindi ako natakot na mapag-isa. Ngayon, may nagluluto na para sa akin pero, natuto rin ako before to prepare my own food. Mahal kung kakain ako sa labas. Mayroon na ring nag-aasikaso ng mga damit at gamit ko ngayon," dagdag pa niya.
After her graduation from La Salle where she is taking up AB Psycho, balak ni Champagne na kumuha ng medisina sa US. "Nandun na lahat ng mga relatives namin. Kaya hindi na ako mahihirapan," pagmamalaki niya.
Wish niya para sa kanyang birthday ang magkaroon ng drama show sa TV. "Im willing naman to wait. Marami pa naman akong ibang magagawa while waiting," sabi niya.
Shes looking forward to a long vacation in the US. Nauna na nga ang mom niya na si Dinah Dominguez para ihanda ang kanyang pagdating dun.
Kahit nag-iisa ang kanyang palabas sa TV (SOP, Sunday, GMA), abala siya sa mga corporate shows. Bagaman at isa siyang mahusay na singer, mas marami siyang commitments na kung saan ay siya ang host. She hosted Mutya ng Tabak in Bicol at naging abala sa regional promo ng Vaseline para sa Unilever. Naghahanda na rin siya ng kanyang 2nd album at wish niya na magawa niya ito under Universal Records. Nahirang din siyang image model ng Table Tennis Association of the Philippines. Mayroon na rin siyang sariling website, ang GoPinoy.com
Sa pamamagitan ng kanyang kampanyang Philippine Tourism First, gustong hikayatin ni Ka Noli ang kanyang mga kababayan na sa halip na sa ibang bansa pumunta ay manatili na ng bansa and explore the Philippines wealth of wonders.
"Matapos nating payabungin ang sarili nating turismo. Susunod na rito ang pag-unlad ng pambansang ekonomiya," sabi niya.
Mga 9 pm na nun nang pumunta kami sa ATM machine located at SM Megamall. P1000 ang kailangan niya pero, P500 lang ang lumabas at nag-kulay pula na ang screen ng monitor ng bangko. Ang siste mo, walang resibo na lumabas dahil nga siguro hindi pa kumpleto ang withdrawal. Pero nang i-check niya ito sa ibang ATM machine, lumabas na nag-withdraw nga siya ng P1000. Saan siya magri-reklamo? Wala naman siyang resibo to prove na P500 lang ang lumabas na pera. Paano na kung mas malaki pala ang kinukuha niya at kakalahati rin ang lumabas? Wala na ba siyang laban? Isa ba itong dahilan para tuluyang mawalan ako ng tiwala sa ATM banking? Nangyari na sa akin ang ganitong istorya nun. Nang "mamasyal" ang pera ko sa ibang account. It took the bank months bago na-trace ang pera ko dahil lang sa di nagagalaw yung account na kung saan naligaw ang deposit ko.