Bukang bibig ng bayan si Sydney
April 10, 2002 | 12:00am
Hindi pa man naipapalabas ang pelikula ng baguhang sexy star na si Sydney Segovia ay marami na ang natataranta sa kanya. Napakalakas kasi ng kanyang sex appeal, bukod sa napaka-flawless niya at hawig kay Joyce Jimenez. Ang pagkakaiba lang nila ay morena si Joyce samantalang si Sydney ay parang labanos.
Nakakabighani talaga ang kanyang alindog. Maging ang mga kasama niya sa pelikulang Bukang Bibig na sina Francis Enriquez at Jeffrey Gonzales ay hanga sa kanya.
Ang Bukang Bibig ay showing na sa May 1 sa inyong mga paboritong sinehan. Abangan ang pakikipagtagisan niya ng galing at kaseksihan kay Aya Medel sa naturang pelikula. Ito ay sa direksyon ni Cesar SB Abella at mula naman sa El Niño Films.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended