Ang ending bukod sa ibinayad na bill sa pagmomotel ay kabilang pa rin ang mga nabasag na pigurin. Nagbida na ang seksing aktres at ngayon ay madalas na napapanood sa telebisyon. Semi-regular ito ng isang programa.
Isang halimbawa ay ang pagiging late nito sa taping ng Ikaw Lang Ang Mamahalin.
Minsan ay pinaghihintay daw nito ang ibang sikat at beteranang artista sa set.
Minsan ay bigla na lang itong nawawala sa set at ang dahilan ay para puntahan ang kasabay na natanguang commitment.
Ang problema kasi kay Geneva ay tumatanggap ito ng ibang appointment sa naka-schedule na araw ng taping ng ILAM.
May nakapagkuwento sa akin na malapit sa aktres na alas-singko pa lang ng umaga ay gising na ito para asikasuhin ang kanilang anak mula sa pag-aalmusal hanggang sa paghatid sa kanya sa eskuwela. Pagdating nito ng bahay ay si Tony Boy naman ang aasikasuhin at personal na naghahanda ng almusal nito. Kapag binibigyan niya ito ng coffee ay puro papuri ang natatanggap niya mula rito gaya ng Honey, youre so Beautiful. Paano ay alagang-alaga pa rin ni Gretchen ang kanyang kagandahan at pangangatawan. Pagkagising sa umaga ay hindi niya nakakalimutan ang pag-aayos sa sarili.
Nasa unahan lang namin ang kanilang mesa kaya kitang-kita namin kung gaano sila ka-sweet. Mula sa simula hanggang sa katapusan ng affair ay magkasama ang dalawa at bulungan nang bulungan samantalang magkatabi lang naman sila ng upuan. Nang tawagin sila sa stage ay magka-holding hands pa sila. Nang magpapaalam na ang dalaga ay waring pinipigilan pa ito ni Dingdong.
Ang ganda ngayon ni Tanya at blooming na blooming. Tanda na umiibig na ito. Hindi kaya sa kanilang madalas na pagsasama ni Dingdong ay nagka-developan sila?
Ang ganda-ganda ng swimming pool doon pero nakakalungkot isipin na kulang pa rin sa disiplina ang mga tao. Habang lumalangoy kami ay kung anu-ano ang itinatapon ng mga bata gaya ng basyo ng canned softdrinks, balat ng mga cheesecurls at iba pa. Hindi kaya mapagsabihan ng mga magulang ang kanilang mga anak? May lugar naman doon para sa kainan. Hindi mo tuloy ma-enjoy ang paglangoy dahil sa kung anu-anong kalat na nasa swimming pool.