Pati pelikula apekatado ni Rico
April 6, 2002 | 12:00am
Hindi lang sa buhay ng pamilya at mga kaibigan ni Rico Yan malaki ang epekto ng kanyang maagang pagkamatay dahil maging ang mga pelikulang ipinalabas na nag-start noong Black Saturday ay walang kumita. Wala raw gustong manood. Ayon sa mga theater operator, mangilan-ngilan lang ang pumapasok sa sinehan. Ang analysis nila, mas maraming interesadong makita ang body ni Rico at pumila sa La Salle Greenhills. Kahit nga raw ang movie nina Robin Padilla at Angelika dela Cruz ay hindi umabot sa inaasahang kita ng Viva Films. Ganoon katindi ang epekto ni Rico.
Masyado kasing naging interesado ang lahat sa nangyari kay Rico. Na-under estimate rin ng ilan na ganoon na pala kasikat ang actor. Imagine nasa front page siya ng mga leading newspapers at lalong na-prove sa kanyang funeral na parang isang presidente.
Okey rin ang ginawang coverage ng ABS-CBN although may mga nagko-comment na masyadong na-capitalize ang ginawa nila. Pero at least nanahimik ang karamihan sa bahay sa panonood habang nag-iiyakan. May mga comment na masyadong oa ang dating nila (ABS-CBN people), pero malaki ang naitulong nila para maging organized ang lahat.
Ang hindi lang magandang ginawa ng ABS-CBN, hindi man lang nila binigyan ng chance ang GMA 7 na makakuha ng footage sa funeral. Reklamo ng reporter ng GMA na si Lhar Santiago, literally, itinutulak siya ng mga security sa La Salle Greenhills gym. Samantalang kung tutuusin naman, kahit hindi nila artista si Rico, binigyan nila ng importansya ang actor.
Anyway, ngayong nailibing na si Rico, siguro naman ay manunumbalik na sa normal ang buhay ng mga kaibigang naiwan ni Rico. Pero siyempre hindi mo maiwasan na pag-usapan ang ibat ibang anggulo ng tsismis sa pagkawala ni Rico.
Tapos yun pang mga joke tungkol sa mga feeling Mrs. Rico Yan sa libing ng actor. At ang walang katapusang usapan tungkol kay Claudine Barretto na umalis ng bansa kahapon papuntang Hong Kong kasama ang kanyang mga kapatid.
Balik-TV pala si Princess Punzalan via Kung Mawawala Ka, ang first teledrama directed by highly-acclaimed director Joel Lamangan starring Sunshine Dizon, Cogie Domingo, Ara Mina, Alessandra de Rossi, Hilda Koronel, Gloria Diaz, Liza Lorena and Eddie Garcia na magsisimulang mapanood sa Monday, April 8 over GMA 7.
Ang akala kasi ng karamihan, hindi na feel ni Princess ang showbiz dahil siya na mismo ang nagsabi na nahihirapan na siyang mag-adjust dahil pakiramdam niya hindi na normal ang takbo ng buhay niya. Actually, nagpaalam pa siya sa The Buzz at mag-aasawa na lang daw siya at sa abroad na lang titira. Pero hindi natuloy ang wedding nila ng isang pastor na ayon sa previous interview sa isang friend ni Princess, hindi nag-agree ang kontrabida actress sa gusto ng pastor na magpapakasal sila dahil kailangan nilang mag-travel para tuparin ang trabaho nito bilang isang pastor.
Anyway, kontrabida pa rin ang role ni Princess sa Kung Mawawala Ka na kasama sa ini-launch ng GMA 7 sa "Seven Seasons" last Thursday night sa poolside ng Westin Philippine Plaza.
Magsisimulang mapanood ang "GMA Seven Seasons" - launching and re-launching ng kanilang programa sa Monday.
Aside from Kung Mawawala Ka, kasama sa ini-launch ang pagbabalik ng Marimar ni Thalia. This time sa GMA na mapapanood ang nasabing telenovela na nagpabago sa sistema ng mga palabas sa telebisyon.
Ipinakilala rin ang mga bagong member ng Sunday noontime show nilang SOP. Pero present din ang mga beterano ng programa na sina Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Jaya, Lani Misalucha, KC Montero among others.
May mga bagong member din ang Click kasama na ang anak nina Bong Revilla at Lani Mercado na si Bryan, anak ni Gina Alajar at Michael de Mesa. Maging si Richard Gutierrez na anak nina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez ay kasama na rin sa nasabing youth oriented show.
Ipinakilala na rin ang bagong loveteam nina Rudy Fernandez at Rosanna Roces sa kanilang bagong programang Daboy En Da Girl. Mismong si Daboy ang nagsasabi na first time niyang magiging komedyante sa telebisyon. Si Rosanna naman ay nagpapasalamat sa GMA sa panibagong pagkakataon na ibinigay sa kanya. Kapalit ito ng dating programa ni Daboy na Kasangga.
Pagkatapos ng Click barkada, isa na namang group of friends na ang buhay ay magiging malapit sa damdamin ng karamihang kabataan sa Kahit Kailan.
At para ma-kumpleto ang "Seven Seasons," pitong bagong pelikula ang ipalalabas nila for the first time, one after the other tuwing Sabado ng gabi sa Pinoy Blockbusters. Ilan sa mga ipalalabas nila ay ang Booba, Banyo Queen at marami pang iba.
Sa GMA rin magbabalik telebisyon si Ms. Vilma Santos kasama sina Tirso Cruz III and Ian de Leon under the direction of Christopher de Leon. Matagal na ring hindi napapanood si Ate Vi sa TV.
Salve V. Asis e-mail - [email protected]/[email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended