Regine, Lanie nag-aaway na?

Di naman nakapagtataka kung sakali mang magtanim ng tampo si Lani Misalucha sa Viva dahil hanggang ngayon ay wala pa itong malinaw na paliwanag sa kung bakit hindi siya at si Regine Velasquez ang nakasama ni Brian McKnight sa dalawang gabing palabas nito sa Araneta Coliseum last Valentine’s Day gayong si Lani ang unang sinabihan ng Viva para makasama ng foreign singer.

"Nalaman ko na lang na si Regine ang makakasama ni Brian McKnight sa show. Sana man lamang sinabi nila sa akin o sa aking manager na si Ronnie Henares na nagbago na sila ng plano pero hanggang ngayon walang kongkretong dahilan na ibinibigay ang Viva tungkol dito," ani Lani during the launching of her Lani On Stage: A Crossover Special na ginanap kahapon sa Don Henrico’s Morato.

"Actually, I never felt bad, I was just frustrated. After all, isa pa ring Viva artist ang nakasama ni Brian McKnight.

It’s obvious naman na si Regine ang flag carrier ngayon ng Viva. Nagtaka lang ako dahil sabi nila sa akin nung una, di raw matutuloy dahil Brian was too expensive for the Philippines.

"Tuloy pa rin naman ang pagtatrabaho ko sa Viva. Hanggang next year pa, June 2003, ang kontrata ko sa kanila. Gagawa pa ako ng isang album sa kanila. Pagkatapos ng kontrata ko, baka lumipat ako," dagdag pa ng ngayon ay tinatawag na "Song Goddess," di na "Asia’s Nightingale" dahil mas bagay daw ang titulong ito kay Lani, ayon naman sa publicist ng Primeline, ang grupo ni Ronnie Henares na nagma-manage ng career ni Lani.

Gayong napakaaga pa at ang Lani On Stage: A Crossover Special ay magaganap pa sa Abril 12, 13, 19, 20, 26 at 27 sa OnStage sa Greenbelt, sold out na ang lahat ng tiket para sa mga nasabing araw. Ang producer ng show, ang 105.1 Crossover ay naghahanap pa ng mga libreng petsa para ma-extend ang show ng apat na gabi pa sa buwan ng Mayo.

Makakasamang muli ni Lani sa OnStage sina Louie Ocampo, bilang direktor, Noel Ferrer bilang scriptwriter, Rowell Santiago bilang stage director.

Nasa lista- han ng guests sina Radha at Jed Maddela, vocalist ng Dye Vest band at mga artists din nina Ronnie at Ida Henares.

Lani’s repertoire will include songs of Basia, Natalie Cole, a Samba Medley, Michel Legrand Medley at marami pang iba.

Show comments