Si kuya Germs, namatay din ?!

Habang pinipilit ko pang tanggapin sa aking puso at isip ang kamatayan ng batam-batang artista na si Rico Yan nung Biyernes Santo ng umaga, eto naman ang napakaraming tawag sa aking cellphone, nagtatanong kung totoo raw bang pumanaw na rin ang Master Showman na si German Kuya Germs Moreno. All of a sudden, bumigay ang dalawang tuhod ko, pakiramdam ko hindi ako makahinga. Paupo kong dinayal ang numero ng telepono ng isa sa kanyang matatapat na sekretarya na si Carmelites. I could have called the direct numbers of Kuya Germs pero, takot ako. Paano kung totoo? Kaya ko bang tanggapin ang katotohanan? Mabuti na yung may shock absorber.

Di ko pa malaman kung paano ko itatanong. Nagsimula ako sa pagtatanong kung okey ba si Kuya Germs, sabi niya oo raw. Nakausap daw niya ito a few hours ago. Sabi ko, kung pwede pakitawagan uli niya at baka sa pagitan ng pag-uusap nila at ng tawag ko ay may nangyari na. And I told her the truth, about the many inquiries, about Kuya Germs supposed death.

I was told to call back in 5 minutes pero tatlong minuto pa lamang tumawag na ako. Busy, After five minutes, busy pa rin. At maski na makalipas ang 10 minutes. Ninerbyos na ako. Baka nga totoo ang balita. nanghina uli ako. I just had to sit down. When finally, I was able to contact her, sinabi ni Carmelites na mali ang balita. Buhay na buhay si Kuya Germs at payapang pinalilipas ang Mahal na Araw. Kagagaling lamang nito ng bisita iglesia. Umabot pa raw ito ng Quiapo at Cathedral.

Marami siguro ang nagtataka kung bakit napaka-concerned ko sa pamosong TV host. Hindi naman kami magkamag-anak. Magkaibigan, oo, matalik na magkaibigan.

Magtatatlong dekada na. At napatunayan ko na kung gaano niya ako minamahal. At one time, nagawa niyang i-risk ang kanyang trabaho para sa akin. I will do the same for him, given the opportunity.
*****
Bakit ba hindi gamitin ng matino ang mga cellphones? Kahapon, Monday, kumalat din ang mga text messages na nagsasabi na 50/50 raw ang buhay ng mag-asawang Senator Ralph Recto at Mayor Vilma Santos. Na-ambush daw ang dalawa. Syempre, hindi lamang mga tagahanga nila ang naa-alarma kundi lalo na yung myembro ng pamilya nila plus the entire nation na nakakabatid ng magandang serbisyo na ibinibigay ng dalawa para sa kanilang bansa at mga kababayan. For a while ay hindi nagpakita si Vi nang sa di sinasadya ay mayroon siyang isang malaking sindikato na nasagasaan sa kanyang layunin na linisin ang krimen sa kanyang lugar. Ngayon, ito naman!

Ang mga cellphones ay ginawa para sa komunikasyon, para kaagad ay maipaabot natin ang gusto nating maipaabot sa kinauukulan. Huwag nating gamitin ito sa kalokohan, pwede ba?
*****
Mabuti na lamang at pumayag din ang pamilya ni Rico Yan na papuntahin sa burol nito si Claudine Barretto. Anuman ang namagitan sa dalawa, ay sa kanilang dalawa na lamang yun. After all, puro ispekulasyon lamang ang lumalabas sa naging dahilan ng kanilang break up. Bagaman at may karapatan sila (Yan family) na tanggapin sa burol ang sinumang gusto lamang nila, since pinayagan nilang makita ito ng kanyang mga tagahanga, bakit naman hindi ang kanyang girlfriend of four years? Nagka-ayos na naman ang dalawa. May karapatan din naman si Claudine na makita at makapagpaalam kay Rico kahit man lamang sa huling pagkakataon bilang isang kaibigan kundi man isang karelasyon. Palagay ko naman maliligayahan na nito ang kaluluwa ni Rico.

Show comments