Ayon sa PRO ng
Dyna Records, magbabalik-bayan si
Priscilla Almeda ngayong buwan para ipagpatuloy ang kanyang career.
Matagal-tagal din ang pananatili sa Amerika ng aktres matapos manganak.
Magiging abala siya sa promosyon ng kanyang debut album under
Dyna.
Huling napanood sa
Batang Westside si Priscilla pero gusto pa ring ipagpatuloy ang movie career kaya lang prioridad na siyempre ang kanyang baby.
Nang huli kaming magkausap ng aktres, sinabi niyang gusto na niyang makawala sa sexy image.
Kung na-late si
Sunshine Dizon sa story conference ng soap operang
Kung Mawawala Ka ay bumawi naman siya sa unang araw ng taping nito. Magkahalong saya, kaba at takot ang naramdaman ng young actress nang gumiling ang kamera dahil matagal-tagal na rin siyang nawala sa
Ikaw Lang Ang Mamahalin.
Laging maaga kung dumating ngayon sa set si Sunshine dahil ayaw na niyang masabihang unprofessional lalo na at ang direktor ay ang magaling na si
Joel Lamangan.
May gagawing pelikula sa
Seiko Films si
Rita Avila titled
Bakat na tatampukan ni
Diana Zubiri. Itoy sa direksyon ni
Jun Posadas na ilang beses nang nakatrabaho ng aktres. Bilib ang direktor sa galing umarte ni Rita kaya kinuha niya rin ang serbisyo nito para makasama sa pelikulang
Mana sa Ina ng
Regent Films.
Nag-audition din si Rita sa isang pelikula for international release at umaasa siya na sanay makapasa siya.
Aalis patungong Japan si
Aya Medel. May show siya at isang linggo siyang mamalagi roon. Kailangan din niyang mamahinga kahit sandali lang dahil sa sunud-sunod na pelikulang ginawa niya. Kumita naman ang
Eva... Lason Kay Adan at tapos na rin niya ang dalawang proyekto sa
El Niño Films titled
Bukambibig at
Iyot Akin, Iisa katambal si
Francis Enriquez. Dahil laging magkasama ang dalawa ay tipong nade-develop ang sexy actor kay Aya.
Sa kabilang banda, nalaman namin na isang mabuting anak si Aya dahil bago siya pumunta ng Japan ay ibinigay niya ang kalahati ng TF sa kanyang ina para mayroong magastos sa pang-araw araw na pangangailangan. Siya rin ang tumatayong breadwinner ng pamilya.
Paolo, Gusto Na Ring Mag-Asawa |
Kamakailan ay nagdiwang ng kanyang kaarawan ang TV host na si
Paolo Bediones at ang wish niya ay matagpuan na ang ideal girl dahil nasa tamang edad na siya para mag-asawa. Nanghihinayang nga siya dahil may boyfriend na si
Miriam Quiambao na itinutukso sa kanya. Maraming nagsasabing bagay na bagay silang dalawa.Sey nga ni Paolo ay na kay Miriam ang lahat ng katangiang hinahanap niya sa isang babae. Kaso boyfriend na nito si
Hans Montenegro.
Suwerte ang babaing mamahalin ni Paolo dahil bukod sa nabibilang siya sa iginagalang na angkan ay mabait rin ang TV host at mapagmahal pa.
Mula sa magarang tahanan ay sa
GMA studio na ginagawa araw-araw ang
Sis.
Ayon sa associate producer na si
Louie Calo ay nakaka-one season na ang programa ng magkapatid at tumaas pa ang rating nito. Araw-araw ay maraming fan mails ang natatanggap ng
Syete na pumupuri sa magkapatid bilang magaling na host. Na-touched nga kami sa pagbabahagi ng malulungkot na karanasan nina
Darius Razon, Klaudia Koronel, Marissa Sanchez, Christopher Roxas sa episode na "Ang Buhay ay Parang Telenobela" na ang mensahe ay kung paano maging matatag ang isang tao sa gitna ng pagsubok.
Mainstay na rin ng
Idol Ko Si Kap, si
Aiza Marquez. Ngayon, balitang matindi ang crush ni
Jolo Revilla na mainstay ng nasabing sitcom. Madalas nitong tinatawagan at tini-text si Aiza. Pero kapag magkaharap na ang dalawa ay nahihiya naman si Jolo. Boto naman si Bong sa dalagita kaya lang palagi ang pangaral nito sa anak na magtapos muna ng pag-aaral bago mag-gf.
Blind Item: Magaling Sa Kama Ang Sikat Na Young Actor |
Ang magaling at sikat na young actor ay nagkaroon ng kaugnayan sa isang sikat na aktres na pambato ng isang kompanya. Nagkatambal din ang dalawa sa isang pelikula na siyang naging daan para magkaroon sila ng relasyon.
Nakukuha ng seksing aktres na tumakas sa kanyang asawa para lang makipagkita sa young actor kapag tapos na ang syuting. At isa isang nearby town sila nagniniig sa buong magdamag.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin malimutan ng seksing aktres ang aktor dahil magaling pala ito sa kama at eksperto ito sa ibat-ibang paraan ng pagpapaligaya sa isang babae.
Ngayon ay nagbabalik-sigla ang career ng aktor.