Sino pa kayang prodyuser ang kukuha sa kanyang serbisyo lalo pa at tag-hirap ang movie industry?
Sa halip na si JJ ang kunin ay ibibigay na lang nila ang proyekto kay Assunta de Rossi na mas in-demand ngayon at mas mura kaysa sa kanya ang bayad o kaya naman ay si Rica Peralejo na palaban din pagdating sa sexy scenes.
Sinabi ng ilang prodyuser na palaos na si Joyce at kailangan ang isang kapareha sa pelikula na malakas ang hatak sa takilya.
Tapos na ang Sweetheart ni Joyce kung saan leading man niya si Piolo Pascual.
Pinabulaanan nito ang balitang hindi boto sa kanya ang pamilya ng ex-hubby dahil minahal din siya ng mga taong ito na parang tunay na anak. Sa apat na taong pagsasama nila bilang mag-asawa ay maganda ang ipinakita sa kanya ng magulang at mga kapatid ni Jun-Jun.
Naka-file na sa Maynila ang annulment case na ginawa ng dating asawa at okey naman ang anak nilang si Ryle Paolo Sebastian sa kanilang kalagayan ngayon.
May tsismis na ang boyfriend ni Sherilyn ngayon ay si Cris Tan na player ng Sta. Lucia.
Matagal-tagal din bago humarap sa kamera ang magandang aktres at talagang na-miss niya ito. Sinabi niya na hindi niya sasayangin ang magandang pagtitiwalang ibinigay sa kanyang muli ng Dos. Kahit sa pelikula ay maraming dumarating na offer at namimili pa siya ng magandang proyekto para sa pagbabalik-pelikula.
Sa tagal nang kanilang pagsasama ay di pa sila nakakaisip magpakasal pero matatag naman ang relasyon at maganda na rin ang kabuhayan dahil may negosyo naman ang dalawa.
Kaya lang nakakaloka ang magnobyong celebrities dahil sweet naman sila kaya lang kapag nag-away ay umaatikabong batuhan ng cellphone ang nangyayari kaya lagi sira ang mga ito. Pagbati na sila ay ipaaayos ang cellphone at kapag nagkaroon uli ng mainit na argumento ay ang kawawa nilang cellphone ang napagbabalingan.
Dating beauty queen ang sikat na aktres na magaling ding umarte lalo na sa drama.